Grazziana's POV
"Yieee!" Sigawan nila.
Ngayon namumula siya na kinakabahan. May gusto ba 'to sa akin? Dahil kung meron, pagtatawanan ko siya. Bakit? Kasi yung mortal enemy ko, nagkagusto sa akin. Akalain mo yon? Pero mukhang malabo.
Napansin kong nagsesenyasan sila. Ang bastos naman nila, sila sila lang ang nag uusap.
"Sige Grazz, ilibot libot ka muna namin. Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Lexi.
"Basta ayaw ko dito. Nakakahiya rito." Sabi ko.
"Gusto niyo doon na lang tayo sa bar namin?" Presinta ni Lia saka pumayag naman kami.
Binigay ni Kevin yung cash kay beki. Shems, magkano kaya lahat yon?! Ang dami naman non! Magkakaroon pa ako ng utang kay Kevin nang wala sa oras!
Lexi's POV
"So, tara na sa bar?" Aya ni Lia.
"Sure, tara. Sabay sabay na tayo." Sabi ko.
Sa totoo lang, may plano kami. Pero secret muna yon.
"Ayos! Konti lang ang tao dito!" Sabi ni James.
Nagkwentuhan lang muna kami at kumain sa bar nila Lia.
"Grazz, diyan ka muna ha? Magbibihis lang kami. May pupuntahan kasi tayo." Sabi ni Lia. Yes, kasama nga sa plano 'to. Pano namin napagplanuhan? Siyempre no'ng nasa parlor kami, magkakatext kaming lahat. Kapag nag usap usap kasi kami, mahalata ni Grazz. At kung mag uusap usap man kami, ayon yung bumili kami ng lunch namin. Ayos diba?
"Ah, sige lang." Pag payag ni Grazz.
Pumunta na kami sa bahay nila Lia. Siyempre, mayaman din sila. Mag katabi lang ang bar at mansiyon nila.
"So, magbibihis na tayo?" Tanong ni Ayesha.
"Oo, may mga tuxedo dito at madami akong dress na binili. Hindi ko pa nagagamit. Yung tuxedo, sa kapatid ko. Hiramin niyo na lang kung gusto niyo boys, kung maarte kayo. E'di mag suot kayo ng dress ko!" Loko talaga 'tong si Lia.
"Hihiramin ko na lang yung tuxedo ng kapatid mo Kasya na sa akin 'to." Sabi ni Perry. Di naman aarte 'to basta sa girlfriend niya.
"Wala nang aarte riyan. Hihiram na lang din ako." Sabi nung tatlo.
"Ibibigay mo talaga Lia?" Tanong ni Ayesha.
"Oo naman. Friends ko naman kayo." Sabi ni Lia. Mas mukhang matagal pa naming kilala si Lia kumpara sa hampaslupang Alex na yon.
"Eh bakit kami? Friends mo din naman ah?" Reklamo nila Nathan. Loko 'tong mga ugok na 'to.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
