Kit's POV
After 3 months...
"Kuya, mag iingat ka doon ha? Wag mong papabayaan sarili mo! Jojombagin kita pag nagpabaya ka don!" Umiiyak na sabi ni Grazz.
"Ano ka ba? Broken-hearted na nga ako, mag papabaya pa ako? Kayo na lang ang iisipin ko para lumakas ako. At ikaw, wag masyadong mahalin si Kevin baka maumay ka." Pang aasar ko.
Binatukan agad ako ni Kevin. "Ulol! Kung broken-hearted ka, wag kang mang damay."
"Okay, okay!" Natatawa kong sambit.
"Kuya! Mamimiss kita." Isa din 'tong si Grace na umiiyak. Nako! Papaiyakin din ako nitong si bunso eh!
"Mamimiss din kita bunso. Wag mo ding masyadong mahal -- Aray!"
"Sabi ko sayo, wag kang mangdamay!" Sigaw ni Kevin sa akin. Aish! Oo nga pala.
"Oo na! Salamat sa pagmamahal Kevin ha?!" Inis kong sabi sa kaniya at binatukan ko din siya. "Oh ayan, mahal din kita."
"Ulol, korni mo."
"Kit!" Sigaw nung apat na panget.
Kumaway ako sa kanila habang papalapit sila sa amin.
"Hoy ugok! Mamimiss ka namin!" Sigaw ni James.
"Pwes, hindi kita mamimiss!" Biro ko.
"Ingat ka doon pre." Sabi ni Clark.
"Oo, basta wag ka daw epal kay Grazz at Kevin!" Pang aasar ko.
"Loko ka."
"Pasalubong namin Kit." Mapang asar na sabi ni Natnat.
"Ulol! Isang pirasong chocolate, gusto mo? Iregalo mo kay Alex." Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi ko.
"Takte ka! Pinaalala mo na naman!"
"Wag kang mag alala. Karamay mo 'ko ngayon. Parehas lang tayo." Inakbayan ko si Natnat.
"Huh?! Ano'ng nangyari?!" Tanong nung apat.
"Tss. Saka na! Sa skype na lang!" Hindi ko na nakwento yung nangyari kaya ganoon na lamang ang pagtataka nila.
"Ang sama naman."
"Grabe naman, di man lang nagkuwento!"
"Ikwekwento ko din, mga ugok! Sige na, alis na ako! Bye!" Paalam ko sa kanila. "Hoy, kayong tatlo, mag ingat kayo. Dapat babalikan ko kayong buhay pa!" Turo ko kila Ayesha, Lexi at Lia.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
