Grazziana's POV
"Saan ito mom?" Tanong ko kay mommy pero hindi niya ako sinagot.
"Ang astig naman ng mga sasakyan na 'to." Sabi ni Kevin habang hinahaplos yung tatlong sasakyan.
Oo, tama si Kevin. Ang gagara nga ng tatlong sasakyan dito. Talagang nga mayayaman lang ang makakabili nito.
"Grazziana and Kevin." Natatawang tawag sa amin ni Tita Josephine.
"Po?"
"Alam niyo ba kung kanino ang mga ito?" Tanong naman ni mommy.
"Kanino po?"
"Para sa inyo!"
Tama ba yung narinig ko? S-saamin y-yung mga kotse?
Siniko ko si Kevin pero deretso pa din yung tingin ko. Nasa gilid ko lang kasi siya.
"Alam kong luma na kasi yung kotse ni Kevin kaya binilihan din namin siya ng bago."
"Hala, Grazz." Bulong sa akin ni Kevin.
"Waaaaa! Thank you po sa inyo!" Sabay naming hiyaw ni Kevz at niyakap sila.
"Wala 'yon. Basta igihan niyo lang sa pag-aaral." Sabi ni Dad.
"Nga pala, Yung grey na car kay Grazz tapos yung tabi non na ka size din niya, kay Kevin at yung malaki pang family." Sabi ni Tita Josephine.
"Okay po pala. Kasya tayong lahat diyan sa pang-family." Masaya kong sabi.
"No, Grazz!" Natatawang sambit ni Tita.
"H-huh? Bakit naman po?"
"What I mean sa inyo lang ni Kevin yan, pag may nabuo na kayong family. Ayos ba?!"
Nagkatinginan kami ni Kevin at parehas kaming namula. Hala! Nakakahiya! May gan'to na agad?!
Kevin's POV
"Brad, dapat din pala may gift din ako kay Grazz." Bulong ko kay Kit habang kumakain kami sa restaurant.
"E'di regaluhan mo, problema ba 'yon?" Subo lang siya ng subo.
Aba'y gago 'to!
"Tulungan mo nga ako! Ulol."
Kinindatan ko si Kit na senyas para gawin na yung pinapagawa ko sa kaniya. Binulong naman ni Kit kay Ate Kat yung plano namin at agad naman niyang na-gets.
"Grazz!"
"Yes, Ate?"
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Fiksi RemajaBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
