Chapter 20

67 6 0
                                        

ding dong..


"Nak! May bisita ka ata." Sabi sa akin ni Mom.


"Ma. Opo, ma. Una na po ako." Agad ko namang inubos yung pagkain ko.


"Sige anak. Ingat ka ha? Magkwento ka sa akin mamaya." Sabay kindat ni mommy sa akin at kinikilig pa. Cute niyang kiligin!


"Okay po ma." At kinindatan ko din siya. Para ko nang bestfriend si mommy.


Nakita ko namang bumaba na din si Kuya Kit. "Oh, Grace. Ang aga mo ata ngayon? Daig mo pa ang mga may laro ng basketball ngayon?" Ang aga aga eh, trip na namang mang asar ni Kuya.


"Wala ka na 'don!" Pagtataray ko.


"Tss. Alis ka na dito! Shooo! Alis! Ang aga aga, nag iingay ka eh." Aba, sino kaya ang hindi nag iingay kapag inaasar na naman? Tss. At tinataboy taboy lang ako!


"Tse! Diyan ka na nga! Sisirain mo pa ang araw ko! Eh, ang ganda ganda na nga." Sigaw ko kay Kuya at tumalikod na.


"Eh, sino ba nagpapaganda ng araw mo?" Tanong ni Kuya at lumabas siya.


Hala! Nakita niya si Aaron. "Hello. Good morning po." Bati ni Aaron kay Kuya Kit. Kita naman sa mukha ni Kuya Kit na nagulat.


"Good morning pre!" Angas na bati naman ni Kuya. "Oh, Grace. Andito na pala yung boyfri-." Agad ko namang tinakpan ang bunganga ni Kuya. Ang daldal! Hindi nga boyfriend eh. Kung ano-ano ang pinagsasasabi!


"Ang ibig sabihin ni Kuya, andito na raw pala yung kaibigan ko. Pasensiya na." Paliwanag ko kay Aaron at nag fake smile. Nag smile din siya sa akin saka ko pinandilatan ng mata si Kuya. Ang sarap suntukin yung bunganga ni Kuya!


"Kuya! Alis na ako! Babye!" Paalam ko kay Kuya at tumango na lang siya.


"Si Grazz? Pumasok na ba?" Pahabol na tanong sa akin ni Kuya.


"Tulog pa." Sagot ko.


"Hay! Kahit kailan talagang sleeping ugly na 'yon! Sige na! Alis ka na! Shoo!" Pagtataboy ulit ni Kuya sa akin. Sinabihan pa ng 'Sleeping Ugly' si ate Grazz, ganda niya kaya!


"Kamusta tulog mo?" Tanong sa akin ni Aaron nang makaalis kami.


"O-okay lang naman. I-ikaw?" Tanong ko sa kaniya. Ano ba yan! Grace, umayos ka!


"Okay lang din. Okay ka lang ba talaga?" Nagtatakang tanong ni Aaron. Nahahalata niya na ata akong nauutal-utal?


"Okay lang ako, Aaron. Wag mo akong intindihin." Ngumiti ako sa kaniya at nginitian niya din ako.


Nakarating na kami sa AU. Lahat sila pinagtitinginan kami ni Aaron. Yung iba kinikilig. Yung iba, ang sama ng tingin sa akin. Ano naman kaya problema ng mga 'to? Gusto ba nilang suntukin ko mga mukha nila?

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon