Grazziana's POV
"Gago! Seryoso ka ba riyan? Paano kung patayin ako ng mga babae mo nang 'di oras? Iisipin na lang nila na magkarelasyon tayo kahit hindi naman talaga! Kevin! Malaking gulo ito pagkatapos ng kondisyon na 'to! Lalo na't si Clark nanliligaw sa akin, aba!"
"Yan lang ba? Di ba nga sabi ko walang pakialamanan. Ako ang bahala sayo sa mga babaeng yan. At kung iniisip nila yon, e'di sabihin natin na totoo yon. Diba? Saka kasalanan mong nagpaligaw ka kay Clark. Tsk tsk."
"Mag isa mong gumawa riyan sa kondisyon na yan! Hindi ako papayag. Pwede namang sabihin na dare lang ha?!"
"Oh e'di ikaw, sabihin mong dare. Pero sa akin, sasabihin ko talagang girlfriend kita. Para magselos -"
"Ano?! Sinong magseselos?!" Sigaw ko sa kaniya. Okay lang na magsisisigaw ako dito. Nagsilabasan naman na sila.
"Wala! Basta starting today. Hanggang one week ito."
"One week? Grabe! Sobra sobra na -" Hindi pa ako pinapatapos ni Kevin nang magsalita ulit siya.
"At eto pa, dapat babe ang tawagan natin. Pag hindi ko marinig yang babe mo, dagdag isang araw itong kondisyon."
"Ayaw ko na! Hindi na ako papayag diyan sa kondisyon na yan!" Sigaw ko sa kaniya.
"Nag deal ka kaya dapat gawin mo." Sambit niya.
"Pero-"
"Kung umayaw ka, bahala ka riyan. Ikakalat ko sa campus yung picture mo!" Badtrip talaga!
"Tss. Oo na!" Kahit labag sa kalooban ko gagawin ko. Basta madelete lang yung picture ko at matapos na!
"Oh tara babe. Sabay tayong mag lunch." Babe? Yuck! Napakakorni.
"Eh, bakit hindi ka sumabay sa mga kaibigan mo? Sanay namang loner ako? Yong nag iisa ko ngang bestfriend iniwan na ako eh." Bigla nalang akong lumungkot ng maalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Alex.
Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin. Si Kevin pala. "Wag kang mag-alala babe. Andito lang ako. Ay este kaming mga kaibigan mo pala." Sabi niya. "Oh ano babe? Kain na tayo ng lunch? Libre ko." Naiilang ako sa pagtawag tawag niya sa akin ng babe!
Tinanggap ko na yung libre na inaalok ni Kevin. Tutal, gutom na din ako. Dibale, libre niya naman.
"Anong gusto mong lunch babe?" Tanong ni Kevin.
"Kung ano yung sayo gano'n na din ang akin." Sagot ko.
"Ikaw ah! Kanina ko pa napapansin na hindi mo ako tinatawag na babe. Dapat nga additional three days na eh. Pero pinagbibigyan lang kita. Kasi kawawa ka na. Warning 'to babe ha?" Sabi niya sabay kindat. Kainis! Bwisit!
"Ge babe." Nandidiri kong sabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
