Grazziana's POV
After a months...
@Westwood University
Maganda sa naging school ko. Pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi malungkot. Paano kasi, wala akong kaibigan. Minsan loner ako. Iniwan ko yung mga kaibigan ko. Hindi man lang ako nag paalam sa kanila. Hindi ko alam kung paano ako makakapag adjust ngayon dito. Pero kailangan ko pa ding lumaban sa kung anong pagsubok 'to.
"Grazz!" May sumigaw sa pangalan ko kaya lumingon ako.
"Jacob? Saan ka mag lulunch?" Tanong ko.
"Gusto mo sa labas tayo kumain?" Aya niya.
"Sige." Pagpayag ko.
"Jacob! Bantayan mo si Grazz ha?" Sabi ni Tito. Yung Papa ni Jacob at tumango na lang siya.
"Libre ko lunch mo." Sabi ni Jacob.
"Wag na. Nakakahiya." Pagtanggi ko.
"Sus. Pumayag ka na. Lagi naman kitang nililibre, hindi ka pa nasanay." Sabi niya. Oo, tama siya. Sa isang taon, hindi niya ako hinayaang gumastos ng kinakain ko rito. Lahat libre niya. Nahihiya na nga ako. "Mahal kita kaya ko ginagawa 'to." Oo, umamin na siya sa akin na mahal niya daw ako. Ginawa niya ang lahat para makuha niya ako. Pati ang Papa niya boto sa akin. Tinutulungan niya si Jacob para makuha ako. Napa-iling ako.
"Pero hindi mo naman kailangang gawin 'to eh." Sabi ko.
Sinubukan ko na siyang mahalin pero hindi ko talaga kaya. Ayaw ko siyang paasahin. Kaya sasabihin ko nalang sa tamang oras na hindi ko talaga siya gusto.
"Hayaan mo lang ako na mahalin ka Grazz." Sorry Jacob. "Tara na! Gutom na ako e."
Nag commute na kami para kumain sa restaurant. Naghanap na ako ng ma-uupuan namin habang si Jacob nag order na. Natigilan ako sa nakita ko.
Nandito sila Lexi, Nathan, Ayesha, Lia, James, Perry, Kuya Kit, Grace, Aaron, Ate Kat at Kevin.
Hindi ko alam kung malulungkot ako o sasaya ng sobra. Ako na lang ata ang kulang sa kanila. Si Clark? Ayon, galit sila kay Clark.
"Grazz!" Pagtatawag sa akin ni Kuya. Lumingon naman silang lahat sa akin.
"H-hello Kuya." Sabi ko.
"Dito ka din kakain?" Tanong niya.
"Oo. Kasama ko si Jacob." Sagot ko.
"Halika nga dito Grazz. Nag sisigawan tayo dito eh." Biro ni Kuya Kit at lumapit naman ako. "Wala na atang bakanteng upuan. Maki-sama na lang kayo dito sa amin. May upuan pa dito oh." Sabi ni kuya.
"Sige lang." Sagot ko.
"Okay ka lang ba Grazz? May sakit ka ba? Namumutla ka." Sunod-sunod na tanong ni Kuya.
"Ate! Namiss ka namin." Sabi ni Aaron.
"Ako din, namiss ko kayong lahat." Lahat sila tahimik.
Hindi man lang sila tumitingin sa akin lalo na si Kevin. Oo, alam kong galit sila sa akin dahil hindi ko agad sinabi sa kanila. Pero masakit sa akin yung hindi nila ako pinapansin. Ngayon lang ko nagparamdam sa kanila dahil busy ako sa studies ko.
"Pagkatapos mo kaming iwan, basta basta ka na lang magpapakita? Alam mo masakit ha? Basta basta kang gumagawa ng galaw mo. Iniisip ko nga, kung kaibigan mo pa ba kami eh. Kasi lagi lang walang presence sa amin." Sambit ni Lexi sa akin.
"Sorry." Ayon na lang ang nasabi ko. Alam ko namang kasalanan ko. Wala na akong ibang masabi kun'di sorry lang. Sana mapatawad pa nila ako sa pag iwan ko sa kanila.
"So gano'n na lang? Wala pa sa sakit na nararamdaman namin ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Tinuring ka naming kaibigan tapos eto? Bigla bigla ka na lang mawawala?" Sigaw naman ni Ayesha sa akin.
"Minahal ka namin. Anong ginanti mo? Iniwan mo kami." Dagdag pa ni Lia.
"Masakit ang maiwanan ng kaibigan Grazz." Nakayukong sabi ni Nathan.
"Oo na. Ako na ang may kasalanan. Ako na ang masama. Alam ko yung feeling na mawalan ng kaibigan. Kung mawawala ako sa inyo, magiging masaya pa rin kayo dahil may mga natitira pa kayong kaibigan. Eh ako? Lahat kayo mawawala sa akin. Sa pag-iwan ko sa inyo, may dahilan naman yon." Paliwanag ko at umalis na. Ayaw kong nakikita nila akong umiiyak.
Hinila ko ni Jacob at niyakap. "Nakahanap na ako ng table natin. Wag ka nang umiyak."
Pinunasan ko yung luha ko at pumunta sa table namin. Malas nga eh, nakikita pa kami nila Lexi dito. Napapansin kong pasulyap sulyap sila sa akin kaya pinigilan kong umiyak.
Lexi's POV
Malapit lang sila Jacob at Grazz sa table namin. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. Miss na miss ko na siya. Ang hirap kaya ng biglaang mawalan ng best friend. Kung masakit ang nararamdaman ko ngayon. Pano naman kaya si Kevin? Na mahal pa si Grazz higit pa bilang best friend niya?
Narinig namin na may malakaa na tawa at lumingon kami sa table nila Grazz. Si Grazz, masayang kasama si Jacob. Mapait akong napangiti.
Napatingin kaming lahat kay Kevin. Nakatitig lang si Kevin kila Jacob at masama ang tingin. Alam ko ang nararamdaman ni Kevin ngayon. Doble pa sa sakit namin. Nakaramdam siya ng galit, selos, at pagtatampo.
Hawak ni Kevin yung plastic cup sa left hand niya na niyupi ang baso at yung kutsara niya sa right hand niya na kanina pa niya pinanggigigilan.
"Chill' ka lang pre." Sabi ni Nathan na katabi niya lang.
"Wag kang padala sa nararamdaman mo." Sabi naman ni James.
Binagsak ni Kevin yung plato niya at biglang umalis. Napatingin lahat ng tao sa amin at gano'n din sila Grazz. "Kevin!" Sigaw naming lahat at sinundan siya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...