Chapter 8

90 12 0
                                    

Nagising ako ng maaga para pumasok na sa school. Bumaba na ako para kumain ng almusal. "Hoy gurang! Bilisan mong kumain, iiwan na kita bahala ka jan." Pang aasar at pananakot ni Kuya Kit sa akin.


"Ano ba naman! Ang aga aga inaasar mo ako." Nag pout ako.


"Pano naman kasi ang gurang ng buhok mo. Bilisan mo na lang." Iritang sabi ni Kuya sa akin. Binilisan ko na lang kumain at nagbihis baka kasi iwan nga talaga ako ni kuya.


"My, alis na po kami ni Kuya." Paalam ko kay mommy.


"Okay, sige anak. Mag ingat kayo ng kuya mo ha? I love you." Niyakap ako ni mommy.


Bigla na namang sumigaw si kuya. "Hoy gurang! Bilisan mo, fifteen minutes na lang!" Napapadyak ako ng paa dahil sa inis kay kuya.


Pumunta na ako sa labas at nakita ko dun si Jacob. Bakit nandito siya? "Bakit ka nandito Jacob?" Nagtatakang tanong ko.


"Gusto kong sumabay sa inyo ni Kuya Kit." Sagot niya.


"Sige na, tara na! Mag mumukhang multo na naman ako dito eh." Biro ni Kuya at tumawa na lang kami ni Jacob.


Kung kanina out of place si kuya, ngayon naman ako ang out of place sa kanila ni Jacob. Ang ingay nila magkwentuhan. Mukhang hindi nauubusan ng kwento.


Hanggang sa pagkababa namin ng kotse ni Kuya. Ang daming nakatingin sa amin -- este kay Kuya at Jacob. Puros babae ang nakatingin sa kanila. Ano yun? Napalitan agad yung Bad New Boys nila Jacob at Kuya? Hindi naman kasi talaga maipagkakaila na gwapo silang dalawa.


Habang naglalakad kami, may lumapit na babae kay Kuya. "Hi po? Ano pong pangalan mo?" Tanong nung babae.


"Kit." Napahinto saglit si kuya at ngumiti. "Kit George Rodriguez." Ngumiti ulit siya sa babae at nilagpasan niya 'yon. Yung babae naman, sumisigaw na sa kilig!


May babae namang lumapit kay Jacob. Mga desperada talaga. "Hi po? Pwede makuha number mo?" Sabi nung babae kay Jacob.


"No, I don't." At ngumiti siya sa babae. Bakas naman ang lungkot sa mukha nung babae.


Nilapitan ulit nung babae si Jacob. "Please. Sige na. Text mate lang naman." Pag mamakaawa nung babae kay Jacob. Napa-iling na lang ako. Ganito ba talaga sa Ashton?


Napakamot na lang ng ulo si Jacob at binigay yung number niya. "Eto oh, wag mong ikakalat ha?"


"Salamat." Umalis na yung babae na masaya at kinikilig din!


"Bakit mo binigay number mo?" Tanong ni Kuya kay Jacob.


"Ang totoo niyan, may isang digit akong pinalitan 'don." Nagtawanan naman kami ni Kuya.


Pumunta na kami sa mga classroom namin. Si Kuya sa ibang classroom siya. Kasi college na siya. Kami naman ni Jacob ang magkaklase.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon