James' POV
Nandito ako ngayon sa garden para makapag isip-isip. Ngayon, wala na akong girlfriend. Brineak ko na yung pito kahapon. Tapos ngayon dalawa ang hiniwalayan ko. Hindi ko na namamalayan, marami-rami na rin pala akong nilolokong babae. Hindi ko alam na masyado na pala silang nasasaktan. Pero tanga rin sila eh. Player ako tapos sasagutin nila ako? Utak naman, gamitin nila. Pero sa totoo lang, titigilan ko na talaga ang pambabababae.
Naglalakad lang ako sa garden at nakayuko. May nabangga na pala akong babae.
Tinaas ko yung ulo ko. Halata sa mukha ng babae ang pagkainis. "Ano ka ba?! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw niya sa akin at kinuha niya yung mga gamit niya na nahulog at tinulungan ko naman.
Tumingin ulit ako sa babae na nakakunot yung noo. Ang ganda niya. Mukhang, gusto kong ishota ito. Shota ha? It means Short time!
Nilagpasan niya na lang ako. Na disappoint ako. Mukhang hindi ako sanay na makasalamuha ng babaeng hindi interesado sa akin. Sa guwapo ko ba naman!
"Miss." Fuck! Hindi ko mapigilan. Liligawan ko talaga 'to. Lumingon yung babae sa akin. "Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Wala ka na do'n." Pagsusungit sa akin. Hindi niya alam ang daming nagkakandarapa sa akin!
"Miss, pwedeng manligaw?" Tanong ko.
"Ligaw your face! Ano yon? Manliligaw ka ng hindi mo alam ang pangalan ng nililigawan mo?! Isa kang malaking bobo!" Sigaw niya sa akin at tumalikod ulit.
Putangina?
"Miss, di ka ba tinamaan sa akin? Di ka ba nagwapuhan sa'kin? Di mo ba ako gusto? Ikaw lang ata ang babaeng tumanggi sa ligaw ko eh." Nainis ako bigla.
"Aba? Ano ka ba? Artista? Paki-alam ko naman kung madaming nagkakagusto sayo? Parehas mo din akong tao. Kaya pwede ba, wag kang mayabang na kala mo diyos diyosan." Bigla akong nag init sa galit.
Tumalikod yung babae sa akin. "Akala mo din naman maganda ka? Gwapo na nga manliligaw sayo, napakachoosy mo pa."
"Yes, maganda ako. At hindi ko kailangan ng play boy. Di ako tulad ng mga alagad mong higad. Kilala kang player sa campus tapos papatol pa sayo? Kung di rin naman sila bobo, ano?" Saka niya ako nilayasan.
Napapadyak ako sa sobrang inis! Hindi pwedeng gano'n!
"Oy! James! Kanina ka namin pinagmamasdan diyan. Ano'ng nangyayari sa'yo?" Tanong ni Kevin sa akin.
"Wala." Badtrip talaga!
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Bulong sa akin ni Clark.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Ano'ng nangyari?" Tanong niya. Teka, sasabihin ko ba?
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...