Naisipan kong mag CR muna at iwan saglit si Alexandria. "Mag cr muna ako ah? Babalik din ako agad."
"Sige besty."
Naglalakad ako papunta sa CR nang biglang may malakas na bumagsak galing 'don. Kinakabahan tuloy ako bigla.
Derederetso akong pumunta sa 'ron. Mas lalo akong kinabahan nang mamatay ang ilaw. Feeling ko parang may sumusunod sa akin. At masama din ang kutob ko dito. Parang may masamang mangyayari. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Sino yan?! May tao ba riyan?!"
May bigla na naman akong narinig na maingay. Masama na talaga kutob ko kaya naisipan kong umalis na lang at hindi na pumasok sa loob. Mas lalo akong kinabahan nang may humila sa akin at tinakpan ang mata ko.
"Hoy, ano ba?! Sino ka ba?! Pakawalan mo nga ako. Kung gusto mo akong patayin, please wag muna! Marami pa akong mga pangarap sa buhay!"
Hinihintay kong sumagot siya pero wala akong narinig galing sa kanya. Bigla niya akong hinila at di ko alam kung saan niya ako ipupunta. Hindi ko pa rin siya makita dahil nakatakip pa rin yung kamay niya sa mata ko.
"San mo ba ako dadalhin? Pakawalan mo nga ako! Ano ba?!"
Hindi niya ako sinagot at bigla niya na lang akong binitawan at tumakbo ng mabilis. Hindi ko nakita yung mukha niya. Ang nakita ko na lang ay yung likod ng lalaki pero madilim. Dinala niya ako sa isang madilim na lugar. Ang weird naman 'non!
"Sandali lang!" Tumakbo ako papunta sa kanya pero bigla na lang siyang nawala nang parang bula. Madilim kasi kaya hindi ko na din siya nakita at naabutan.
"Salamat pala ha? Masama ang kutob ko doon, kaya maraming salamat sa paglayo sa akin 'ron." Alam kong nandoon pa siya, kaya nagpasalamat na lang ako. Sana narinig niya. Masamang talaga kutob ko sa cr. Para bang may gustong manakit sakin.
Naglakad na lang ako para bumalik sa canteen. Tinignan ko ang relo ko para malaman kung time na ba o hindi. Two minutes na lang mahuhuli na ako sa next subject ko. Naisipan ko munang pumunta sa canteen, nagbabakasakaling nandun pa si Alexa.
Wala na talaga siya dito. Okay lang na hindi niya na ako hinintay. Mahuhuli pa kasi siya sa next subject niya. Tumakbo na ako papunta sa classroom para makaabot pa ako. Nakahinga naman ako ng malalim dahil sakto lang ang pagdating ko. Hindi ako nakita ni Ma'am Jamie na pumasok dahil may kausap siya.
Pumunta ako sa upuan ko at nakita ko yung lima na nakatingin sakin. Teka, anong meron sakin?
"Good morning, class."
"Good morning, Ma'am Jamie."
"Mag introduce muna yung mga old students. Ang mga nakapag introduce lang kanina ay yung mga new students. Madami kasi kayo kaya nakulangan sa time. Okay, let's start."
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...