Grazziana's POV
"Clark, Grazz and Kevin! Kumain na kayo." Sigaw ni Kuya Kit sa baba.
"Sige kuya, bababa na po kami." Sagot ko. "Tara, baba na tayo. Gutom na din ako eh. Sigurado ako, masarap yung niluto ni Kevin at luto niyo ni ate Kat." Aya ko.
"Kain na kayo. Kanina pa kami tapos kumain. Sarap ng luto mo Kevin." Sabi ni kuya at tinapik yung balikat ni Kevin.
"Ako pa." Pagmamayabang ni Kevin.
Naghain na yung yaya nila Kevin ng pagkain namin. "Hmm. Yummy!" Exciting kong sabi at umupo sa upuan. Umupo na din si Kevin at Clark sa tabi ko.
Agad akong kumuha ng pagkain ko at subo lang ako ng subo. Walang hiya ako eh. Dibale, close ko naman 'tong dalawang mokong na 'to.
"Takaw mo." Sabi ni Kevin.
"Masarap eh." Sambit ko.
"Siyempre luto ko." Pagmamayabang niya.
Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya. "Yabang mo. Nalilimutan mo atang tinulungan kita?" Napatingin naman si Clark sa akin dahil sa sinabi ko.
Nakatatlong plato na ako. Yung dalawa naman, parang babae. Ang hinhin kumain. Palibhasa kasi, mga anak mayaman.
"Alam mo bruha, parang hindi ka babae." Pang aasar ni Kevin.
"Hindi naman ako babae eh." Pagloloko ko. Nagulat ako ng batukan nila ako ng mahina. "Aray naman." Sabay himas ko sa batok ko.
"Babae ka." Aba!
"Aba malamang! Hindi kayo mabiro eh!"
Subo pa rin ako ng subo hanggang sa nabulunan ako. Hinimas himas ni Kevin yung likod ko habang si Clark naman, kumuha ng tubig at inabot ko naman yon.
"Thanks Clark."
"Dahan dahan kasi bruha." Sabi ni Kevin at inayos ang pagkakaupo niya.
"Opo boss." Sambit ko.
Maya't maya may kumatok sa pinto at agad namang binuksan ni Kuya Kit yon.
"Woooh!" Nagulat ako ng dumating sila Nathan, James at Perry.
At ang lalo kong ikinagulat ay kasama nila yung mga girlfriends nila. Si James kasama niya si Ayesha. Balita ko sila na daw, matagal na. Nag umpisa sa awayan pero na in love din sa isa't isa. Si Perry naman, kasama niya yung babae. Hindi ko kilala yon. Pero sabi nila Kevin, girlfriend niya daw. Si Nathan naman, kasama niya si Alex. Hay. Hindi ko alam kung best friend pa ba ang turing ko don. Si Kevin at Clark naman hindi na nagulat. Siguro alam na nila na pupunta sila dito.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
