Grace Kate's POV
Nanonood kami ngayon sa media center. Film viewing kumbaga. Kailangan sa subject namin. Kasi mag tatake kami ng quiz sa english after ne'to.
"Class, bawal ang tabi tabi ang mga magkakaibigan. Ako dapat ang mag aarrange sa inyo." Boring naman ang panonood ko dito kung 'di ko kakwentuhan si Krystal.
"Grace, tumabi ka kay Aaron." Sa dinami dami ng makakatabi ko, siya pa?
Tumingin ako ng saglit sa kaniya at walang nagawa kun'di tumabi. Hindi talaga ako komportable dito sa pwesto ko. Kaya isiniksik ko yung katawan ko sa tabi ni Mike. Yung close friend ko. "Shh, Grace. Wag kang magulo. Kanina ka pa galaw ng galaw diyan eh." Iritang sabi ni Mike.
"Sorry Mike." Tumingin ako kay Aaron at ngumiti ng peke. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mike.
"O-oo." Nauutal kong sagot.
Nagulat ako ng akbayan ako ni Mike.
After 5 minutes.
"Teka Mike, tanggalin mo na yang pagkakaakbay mo sa akin." Irita kong sabi sa kaniya.
At tinanggal naman niya agad. "Iniiwasan mo ba ako Grace?" Halos mapatalon na ako sa gulat nung marinig ko ang boses ni Aaron.
"H-hin..di."
"Just tell the truth. Hindi ako magagalit." Sabi niya.
Napayuko ako at napabuntong hininga. "Yes." Sagot ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Kasi---" Sasabihin ko ba na 'kasi mahal mo pa si Lindsay.' Duh? Ayoko nga. "N-nevermind." Sabi ko at tumayo ako. "Ma'am, may I go out?"
"Yes."
Nandito ako ngayon sa waiting area. Hindi na ako nanood ng film viewing namin. Nawalan na ako ng gana. Naiisip ko na naman na mahal pa ni Aaron si Lindsay.
"Are you okay, Grace?" Lumingon ako at ang nakita ko agad si Mike.
"Yes." Sagot ko at nginitian ko ng peke.
"Sigurado akong nagsisinungaling ka. Ano ba talaga ang nangyari? Just tell me. Mapagkakatiwalaan ako." Sa tingin ko, kailangan kong ilabas yung sama ng loob ko.
"Si Aaron. Mahal niya si Lindsay."
"Do you love Aaron?" Tanong niya.
"I don't know Mike."
"I think you already fell in love with him." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatigil ako at humarap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...