Grazziana's POV
Nagising ako sa sinag ng araw. Ano ba ngayon? Ahm. Thursday? Oo. Thursday nga.
Tinignan ko yung orasan ko, "Wah! 7:00 na!"
Tumayo na ako at agad kumain. Binilisan kong maligo at mag ayos. 5 minutes ako kumain, 10 minutes ako naligo, 5 minutes aking nag-ayos, 5 minutes ako nag-ayos ng gamit at 5 minutes ang biyahe.
Sa wakas! Nakarating din!
Humarurot ako ng takbo papunta ng classroom. Pagpihit ko ng pinto, nagulat ako nang may isang timba ng tubig ang bumuhos sa ulohan ko.
Tawanan ng mga kaklase ko lalong-lalo na si Kevin.
"Sino ang naglagay nang isang punong timba ng tubig sa taas ng pinto?" Galit na galit kong tanong sa kanila.
Ngayon, basang basa na ako na parang sisiw dito sa harap nila.
Lahat sila tinuro si Kevin. Sinamaan ko lang siya nang tingin na nagsasabing 'humanda ka sa akin mamaya'. Pero walang epekto. Tinawanan niya lang ang ginawa ko. Pasalamat siya at walang teacher dito, kung hindi guidance office ang deretso neto.
Tumingin ako kay Alexandria na inaasahan kong tutulong sa akin pero nakikisabay lang siya sa tawa ng mga kaklase ko. After a few weeks, napapansin ko ang pagbabago sa kaniya. Parang hindi na siya yung Alex na kilala ko. Hindi na niya na ako pinapansin. Ano kaya ang problema niya sa akin? Nung election ng homeroom officers okay lang naman kami eh. Tinulungan niya pa nga ako para manalo as president pero anong nangyari ngayon?
Nagulat ako ng may humila sa akin papalabas. Inangat ko yung ulo ko at ang nakita ko ay si Clark. Buti nalang talaga nandito lagi si Clark sa tabi ko.
Nang makarating kami sa locker room, binuksan agad ni Clark yung locker niya. "Anong ginagawa mo Clark?" Tanong ko.
Inabot niya sa akin yung PE shirt at jogging pants niya. "Hiramin mo muna yan. Pumunta ka sa cr at magbihis ka." Seryoso niyang sabi.
Sinunod ko yung inutos niya. Hanggang sa paglabas ko, naghihintay pa rin siya sa labas. "Tama lang? Hindi ba nakakahiyang naka-daily uniform kayo tapos ako naka-PE Uniform?"
Nakita ko ang pagkangisi niya. "Ang cute mo talaga." Pinisil niya yung magkabilang pisngi ko at ginulo ang buhok ko.
Bumalik kami sa classroom. Umupo na si Clark sa upuan niya habang ako ikinakalat ang mga mata ko para makita yung upuan ko. Teka, asan nga ba yon?
Sigurado ako, si Kevin na naman ang nagtago non.
Kinalabit ko si Kevin. "Oh, bakit?" Halata sa mukha niya ng pagpipigil ng tawa.
"Asan ang upuan ko?" Seryoso kong tanong sa kaniya.
"Aba! Malay ko sayo. Wala naman akong paki-alam diyan." Pagdedeny pa niya.

BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...