Chapter 19

48 7 0
                                    

Grace Kate's POV

Hay! Thanks God! Naka-uwi na rin ako nang maaga. Dapat daw kasi, mas maaga akong umuuwi kay Ate Grazz at Kuya Kit. Mas matanda daw kasi sila. Sus! Babae din daw kasi ako, baka mapano pa ako sa pag-uwi. Eh, bakit si Ate? Babae din naman 'yon ah? Mas lumpo-lumpo pa nga 'yon sa akin!


Nag vibrate yung phone ko kaya agad kong kinuha 'yon. Sino naman kaya 'to?


From: Crush

"Hi Kate :)"


Yaay! Omg omg! Si crush! Nag text! Oh my!


To: Crush

"Hi Aaron :)"


Agad kong inaabangan ang text niya pagatapos kong isend 'yon. Ang sarap ng feeling! Para tuloy akong tanga na ngingiti-ngiti rito!


From: Crush

"Kamusta ka?"


To: Crush

"Okay lang naman. Ikaw?"


Rereplyan ko na sana ulit siya pero may narinig akong maingay sa baba. Mukhang sila Kuya Kit na. Pero bakit parang may iba siyang kasamang mga lalaki? Baka siguro yung mga barkada niya lang 'yon. Kaya bumaba ako para tignan sila. Tama nga ako. Andito si Kuya Kevin. Ang guwapo pala niya, ano? Siya siguro yung kinakainisan ni Ate. Pero bagay sila, huh.


"Wala pa si ate Grazz, Kuya?" Tanong ko kay Kuya Kit.


"Wala pa eh." Tipid niyang sagot habang kakwentuhan si Kuya Kevin.


"Asan siya nagpunta?" Tanong ko ulit.


"Aba! Ewan. Hanapan ba ako ng nawawalang Grazz?" Bwiset talaga kahit kailan talaga tong si Kuya. Lagi na lang siyang kontrabida! Buti na lang magkakampi kami ni ate Grazz.


"Wala kang kwentang kausap Kuya Kit! Diyan ka na nga!" Padabog kong umalis sa harap nila at tumalikod.


Humiga ulit ako ng kwarto ko at kinuha yung phone ko.


3 messages

From: Crush

"Okay lang din naman. Kamusta pag aaral sa AU?"

"Uyy? Asan ka na?"

"Tulog ka na agad?"


Wew! Wala atang katext 'to ngayon ah? Mukhang ako lang ata. Napangiti ulit ako


To: Crush

"Hi? Sorry late reply. May ginawa lang. Okay lang naman sa AU. May mga kaibigan agad ako."


Si Kuya kasi eh. Naghihintay tuloy ng text ko si Aaron!


Narinig kong may nagbabangayan sa baba. Kaya sinilip ko lang pero hindi ako bumaba. Baka masama pa ako sa bangayan na yan eh.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon