Chapter 43

48 3 0
                                        

Grazziana's POV

"Get one and pass." Sinubmit na ni Ma'am Jamie yung test papers. Grabe! Kinakabahan talaga ako. Sa totoo lang, sa dami ng nireview ko kagabi wala pang 40% ang nareview ko.


Dahil nasa last column naman ako, ako yung huling binigyan. Ganun din kila James, Nathan, Clark at Kevin. Pareparehas kasi kaming nasa last column. Dahil si Jacob ang katapat ko, binigay niya na sa akin yung test paper ko.


"Thanks Jacob."


"You're welcome Princess."


Nag start na kaming mag test. May subject na madali at may subject din na mahirap. Stock knowledge na ito! At ang pinakamahirap na subject eh yung Genera Chemistry. Grabe talaga! Kahit katiting, wala akong maalala. Eto pa naman yung nireview ko kay Nathan last week. Hay, ang hirap nang walang nareview.


"Grazz. Kamusta exam?" Tanong ni Nathan.


"May mahirap, may madali." Nakasimangot kong sagot.


"Ano naman yung mahirap mo?"


"Gen. Chem." Nahihiya kong sagot.


"Hay nako! Mahirap mo yon? Napakadali kaya non." Yabang. Tss. "Diba ikaw pa ang mga nagturo sa akin nung mga yon? Bakit nahirapan ka pa? Hindi na nga ako nagreview kasi tinuruan mo na ako." Kung sino pa yung nag turo siya pa yung nakalimot.


Binanggit na ni Ma'am Jamie yung mga scores ng kaklase ko in every subject. Talagang hindi pa binabanggit yung pangalan ko. Baka mga nasa bandang huli na ata ako?


"Grazziana.." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang banggitin ni ma'am Jamie yung pangalan ko. Napakunot yung noo niya at nanlaki yung mata.


Lagot na ako neto. Bagsak ata ako!


"PE, 48/50. Oral Com, 50/50. Earth Science, 49/50. Gen. Math, 50/50. Komunikasyon, 49/50 And Gen. Chem.." Nagulat ako sa mga scores ko. Bakit ganon? Ang tataas? At bumilis na naman lalo yung tibok ng puso ko. "Gen. Chem, 50/50. Perfect. So Grazziana, good job. Keep it up. Si Grazziana ang highest sa mga ibang subjects so far at si Clark matataas din ang scores."


"Hoy Grazz. Sabi mo mahirap mo yung Gen Chem. Ako ba ang pinaglololoko mo? Nataasan mo pa nga ako!" Bungad agad sa akin ni Nathan.


"Hindi ko rin inexpect!" Sagot ko na lang at bumalik na siya sa upuan niya.


Habang iniisip ang mga pangyayari, at sobrang curious ako kung bakit mataas ang nakuha ko, napansin kong may nakatitig sa akin. At si Kevin yon.


"Problema mo?" Nakataas ang kilay kong sabi sa kaniya.


"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong problema mo?" Seryoso niyang tanong.


"Wala. Wala."


"Unexpected ka kasi mataas ang nakuha mo doon sa Gen Chem? Wag mo nang isipin yon. Pasalamat ka na lang." Tumango tango si Kevin habang naka-dekwatro.


"Oo eh. Sa totoo lang, mali mali naman talaga yung sagot ko don. Pero paano nangyari yon?"


"Wag mo ng sasabihin 'to ha?" Seryoso niyang bulong sa akin.


"Oo."


"Kinuha ko yung test paper mo kanina nung lumabas si ma'am Jamie. Kaya ko nakuha yung test paper mo kasi pasimple kong pinass yung test paper ko at kinuha ko na yung sayo. Then, i changed your answers." Sabi niya.


Kumunot yung noo ko. Grabee, hindi talaga ako makapaniwala. Ginawa ni Kevin yon? Seryoso? At nagawa niyang iperfect yon? Imposible.


Napataas yung kilay ko sa kaniya. "Seryoso ako." Bigla niyang sambit.


"P-pero, paano mo nagawang iperfect yon?" Tanong ko.


"No more explanations."


"Pero bakit mo ginawa yon? Bakit mo ginawa sa akin yon?"


"No more explanations."


"Grabe naman yan. Tinatanong lang eh."


"Hindi ko din alam. Basta ginawa ko at ginusto ko. Hindi ko talaga alam. Nababaliw na ata ako eh." Seryoso niyang sabi.


──●◎●──


"Psst! Bruha liit!" Alam kong si Kevin na naman yan at alam kong ako din ang tinatawag niya.


Hinarap ko siya. "What?"


"Naalala mo pa 'to? Ang panget mo dito oh. Yung stolen shot mo." At pinakita sa akin ni Kevin yung cellphone niya.


"Ang tagal na niyan ha? Hindi mo pa talaga dinedelete!" Sigaw ko sa kaniya.


"Gusto mo bang wag burahin ko na 'to?" Pang aasar niyang tanong.


"Tinatanong pa ba yan? Dahil noon pa lang. Matagal ko ng gustong burahin mo yan!" Sigaw ko ulit sa kaniya.


"Buburahin ko ito pero, sa isang kondisyon." The hell! Ano naman kayang kondisyon yon? Panigurado ako, kalokohan nanaman yon.


"Ayaw ko! Basta idelete mo yan!"


"Ayaw mo? E'di ayaw ko din idelete 'to. "


Bwisit! Gustong gusto ko na talagang mabura yon! Papayag ba kaya ako sa kondisyon na yon? Para walang akong problema.


"Oo na! Payag na ako diyan sa kondisyon mo! Pero siguraduhin mong buburahin mo yang picture ko. Kung ayaw mong ilibing kita ng buhay." Pananakot ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Lagi namang ganiyan. Tinatarayan ko na't lahat lahat pero tawa lang ang binabawi sa akin. Tss.


"Sigurado ka riyan ah?" Panigurado niya.


"Oo."


"Walang bawian?"


"Oo nga! Ang kulit!"


"Sige. Ang kondisyon ay.. mag-aact tayo nang parang mag boyfriend at girlfriend dito sa campus. Dapat lagi kitang aakbayan, dapat lagi tayong magkaholding hands at dapat lagi tayong magkasama. Magkaklase tayo kaya madali lang gawin yan. At dapat, walang pakialamanan kung may makakakita sa atin dito sa campus."


Whaaaaat?! Ayon?! Yung kondisyon?! Seryoso ba siya doon? At bakit gano'n naman?! Eh alam niyang kalat sa campus na may gusto sa akin si Clark?!

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon