Chapter 2

192 15 0
                                    

Nagising ako ng 7:30 AM napamulat ako bigla nang maalala kong.. "Oh my momay! Entrance exam na!" Bumangon ako kaagad. Para bang nawala lahat ng antok ko sa katawan. Kinakabahan talaga ako! Paano kung hindi ko maipasa? Saan na ako mag aaral neto? Okay self, kalma. Please think positive! Kaya mo 'to, Grazz!


"Grazz, baba ka na jan. Mag almusal ka na! Dapat maaga ka. Baka hindi ka makapag exam eh. Mahuhuli ka niyan!" Halos mabingi ako sa sigaw ni mommy. Mas excited pa talaga siya kaysa sa akin.


"Opo, My!" Sigaw ko. Sobrang ingay namin ni mommy dito sa bahay kahit maaga pa lang. Naiistorbo na nga namin sila kuya na natutulog eh.


"My, Grazz! Ang ingay niyo! May natutulog pa!" Ayan na nga, nainis na nga si kuya.


"Sige, matulog ka na ulit kuya!" May halong pang aasar na sabi ko pa sa kanya.


Bumaba na ako para kumain ng almusal. "Hmm! Ang sarap naman nito, My! Basta luto mo talaga, the best!" Ang sarap talaga ng luto ni mommy. Favorite ko niluto niya eh. Corn beef na may halong egg.


"Syempre! Ako pa. Dapat namana mo sa akin ang pagluluto. Di ka kasi marunong. Wala ka kasing ginagawa dito sa bahay eh. Puros internet inaatupag mo."


"Soon, My. Matututo din ako."


"Sige bilisan mo jan. Baka mahuli ka."


"Sige po, My!"


Ashton University.


"Ma'am, mag eentrance exam po yung anak ko."


Habang nag uusap yung teacher at si mommy, tumingin tungin naman ako sa paligid ng school. Sobrang lawak grabe! Napakaganda!


"Ma'am sa this building po, 2nd floor and room number 204."


"Thank you po ma'am."


Ang sabi ko kay mommy kanina ay wag na siyang sumama sa akin, kaso napakakulit niya! Kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.


"My, doon yung building!" Sabay turo doon sa building.


"Oh, tara na!


Naglakad kami papuntang building na tinuto kanina. Ang layo pala. Nakakapagod mag lakad. Ang lawak kasi ng school. May nakasalubong ulit kaming teacher at tinanong namin kung nag start na ba ang exam.


"Excuse me po ma'am, nag start na po ba ang exam?"


"Ten minutes na lang po, mag sstart na."


"Sige. Thank you po."


"You're welcome po."


"Tara na, My! 10 minutes na lang daw pala."

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon