Chapter 7

97 12 0
                                    

"Jacob Dela Cruz?!" Napasigaw ako sa harap nila. Nakakahiya. Nandito yung kapatid niya at parents niya. "Bakit ka nandito?"


"Hoy, manang! Wag mo ngang sigawan si Jacob." Sabay akbay ni Kuya kay Jacob na ikinailing ko.


"Bakit ikaw ba yung kinakausap ko?!" Sigaw ko kay Kuya.


"Hindi ko nga pala nasasabi sayo. Umuwi sila noong isang araw. Galing sila ng America. Hindi ba last year lang nung magkaklase kayo sa America?" Sabi ni Kuya sa akin.


"Oo." Tipid kong sagot dahil wala pa rin ako sa mood. Hindi natuloy ang tulog ko kanina kaya hindi maganda ang gising ko.


"Ah, tita. Pwede po bang magusap muna kami ni Grazz sa rooftop ng kwarto niya?" Tanong ni Jacob kay mommy.


"Okay sige. Wag mong papabayaan anak ko ha? Bumaba lang kayo kung may kailangan kayo." Pagpayag naman ni mommy.


"Okay po tita. Thank you po." Sagot naman ni Jacob.


"Hoy ugok! Siguraduhin mong walang masamang mangyayari sa kapatid ko ah? Papatayin kita kapag may ginawa ka." Galit na sabi ni Kuya kay Jacob.


"Oo naman, makakaasa ka." Sagot ni Jacob saka niya tinapik ang balikat ni Kuya.


Pumunta kami sa rooftop ng kwarto ko para makapag usap. "Kamusta ka naman, my princess?" Inakbayan niya ako at inalis ko naman agad 'yon.


"Ano ba Jacob? Wag mo akong akbayan. Okay lang ako. At saka bakit mo pa ako sinundan dito sa Pinas? Hindi mo dapat kailangang gawin to eh." Nakatingin lang ako sa mga bituin habang siya naman nakatitig sa akin.


"Gusto lang kitang bantayan." Sambit niya.


"Hindi na nga kailangan eh. Kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa, andito naman si Kuya, sila Mommy at Daddy."


"Kahit na. Ako ang magbabantay sayo sa school niyo." Nakatingin ako sa kanya na nagtataka. Pero ano daw? Siya magbabantay sakin sa school? Ibig sabihin? "Mag aaral na ako sa Ashton University."


"Bakit ayaw mo bang sa America?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.


"Ako na mismo ang nagsabi kay mom at dad na gusto kong lumipat dito sa Pinas. Dito ako masaya eh. Saka namimiss ko na rin ang mga kaibigan ko rito."


"Ikaw talaga, kailan ka pala papasok?" Tanong ko sa kanya.


"Bukas na."


"Talaga ba? Bukas na? Seriously?" Gulat na gulat kong sabi. Parang ang bilis naman!


Tumawa siya. "Eto naman. Parang may masama naman akong nasabi eh. Oo nga, bukas."


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon