1 message
From: Bebe Krystal
"Good morning uy! Hintayin kita dito sa harap ng school. Bilisan mo ah? Marami akong ikwekwento sayo. Excited na ako!"
Talaga itong si Krystal hindi nauubusan ng ikwekwento sa akin.
To: Bebe Krystal
"Sige. Paalis na din ako."
Speaking of Krystal! Kailangan ko din siyang makausap ngayon. Marami siyang dapat iexplain sa akin. Kailangan kong magmadali.
"Mom! Dad! Bye bye po. Alis na po ako." Paalam ko kay mommy at daddy.
"Anak, sandali. Hindi ka pa kumakain, oh." Pagpipigil sa akin ni mommy.
"Sa school na lang po ako kakain, ma. Bye po." Paalam ko ulit.
"Ma, may imimeet lang po yan." Pang aasar ni Kuya. Feel ko mag iinit na naman ang ulo ko dito. Ke-aga aga kasi nangbabad trip si Kuya Kit!
"Kuya! Wala akong oras para makipag asaran sayo!" Sigaw ko kay Kuya at bigla siyang natahimik.
"Ano yung narinig ko ha? May imimeet si Grace ngayon?'' Tanong ni daddy. Pahamak ka talaga Kuya Kit!
"Yes, daddy! Pero si Krystal ang imemeet ko." Irita kong sabi.
"Hay nako, dad. Papaniwalaan mo pa po ba yang si Kuya Kit? Lakas mang trip eh. Ang aga aga, nang aasar agad. Dad, alam mo naman po si Kuya." Inakbayan ako ni Ate Grazz. "Sige po Dad, Mom. Alis na po ako. Bye Kuya Kit! Bye Grace!" Nakita kong tumingin si Ate Grazz kay Kuya Kit at kinindatan ito na para bang nang-aasar. Ayan ang ate ko!
"Wait ate! Sasabay ako sayo ngayon." Sabi ko kay Ate Grazz. Kinindatan ko rin si Kuya Kit at tumalikod.
"Sure." Sagot ni ate.
Pagkalabas namin ni Ate Grazz sa pinto, sabay kaming nag apir. "Ayos 'yon ate, ha?"
"Oo ah! Namimihasa na kasi yung bakulaw na 'yon!" Sabi ni Ate.
"Kahit pangit ka pala ate, ang tapang mo din pala." Ay! Bakit ko sinabi 'yon?!
"Anong sinabi mo?!" Sigaw niya sa akin.
"Syempre, joke lang 'yon! Mas maganda ka kaya sa akin." Sabi ko para 'di na uminit ang ulo niya.
"Marunong kang tumingin kung sino talaga ang mas maganda. At ako 'yon!" Sabay irap sa akin. Hay, oo na!
Nakarating na kami ni ate sa school. Pinapasok ko na si ate sa loob kasi hinahanap ko pa sa labas si Krystal.
"Uy!" Agad naman akong lumingon sa sumigaw. Alam ko namang si Krystal na 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/192568728-288-k772188.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...