Grazziana's POV
Pumasok na ako sa school at dinatnan kong madami ang taong nagkukumpulan sa loob ng campus. Agad naman akong tumakbo papalapit don. Maki-chismis nga muna.
"Excuse me. Excuse me." Pagtataboy ko don sa mga taong nakaharang.
Oh God! Kevin!
"Bakit mo ba kasi tinapakan yung sapatos ko ha?!" Sigaw ni Kevin doon sa babaeng umiiyak. Damn! Babae yan!
"Sir Kevin, pasensya na po. Sorry po talaga. Hindi ko naman po sinasadya eh." Sabi nung babae.
"Hindi mo ba alam na napakamahal ng sapatos na 'to?!" Galit na sabi ni Kevin.
"Sorry na po Sir."
"Dilaan mo itong sapatos ko." Mahinahong sabi ni Kevin at inabot ang paa niya sa babae.
"Pero po-"
"Just do it. Kung ayaw mong ipabayad ko sayo 'to."
"Magkano po ba?" Hinihingal na sabi nung babae.
"25,000"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Kevin.
"Pero hindi ko po-"
"Ano bang gusto mo?! Dilaan mo ang sapatos ko? O babayaran mo ito?!"
"Wala po."
Biglang sinapak ni Kevin yung babae.
"Stop it Kevin!" Nagulat si Kevin sa biglang pagsulpot ko.
"B-bakit ka nandito?" Nauutal niyang tanong.
"Malamang para pigilan ka!" Sigaw ko sa kaniya. Pinatayo ko yung babaeng umiiyak at pinaalis siya. "Ako na ang mag-babayad niyan! O ano? Masaya ka na?!"
Napabuntog hininga si Kevin at umalis. Kanina ang yabang yabang niya tapos ngayong kaharap niya ako, wala na. Tss.
──●◎●──
"Grazziana." Tawag sa akin ni Sir David.
"Po?"
"Pwede mo bang itutor si Nathan Quinto? Kasi masyado ng mabababa yung grades niya. Si Perry at James, tama lang naman yung mga grades nila. Pero yung kay Nathan, halos mag 70 na yung grades niya sa subject ko." Bigla akong naaawa kay Nathan. Bakit sobrang baba na ng grades niya?
"Ah, sir. Hindi po ba pwedeng si Clark na lang? 'Di ba magkaibigan naman po sila?" Nakakahiya atang tumanggi ako?
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...