Chapter 24

58 6 0
                                        

Grazziana's POV

Nakasakay na kami ngayon sa van nila Kevin. Si Kuya Kit naman nagka kotse na din. Sabi ni mommy siya na lang daw hatid sundo namin ni Grace.


Nasa likod ako, este kami nila Kevin at Clark. Ako yung pinag gitnaan nila. Sa second row naman, magkakatabi sila Nathan, Alexandria, Grace at Jacob. Tapos sa first row sila James, Perry at Kuya Kit.


Ang iingay nila sa harap. "Hoy! Clark at Kevin!"


Nagulat naman kaming tatlo nila Clark at Kevin sa likod ng sumigaw si Kuya. At lumingon kaming tatlo sa kaniya. "Wag niyong tsansingan yung kapatid ko diyan ha? Makilintikan kayo sa akin." Pananakot ni kuya sa dalawa at nag sigawan silang lahat. Napairap na lang ako. Kala mo naman talaga! Napaka-OA!


"Over protective ni Kuya." Komento ni Grace.


"Baka over acting!" Pagtatama ko sa sinabi ni Grace.


"Tignan niyo yung muscles ko. Malaki yan. Kaya wag niyong gagawin yan sa prinsesa ko." Pagmamayabang ni Jacob at itinaas yung muscle niya para ipakita sa dalawa.


"Prinsesa your face!" Sigaw ni Kevin.


"Selos ka ata?" Pang aasar ni James kay Kevin.


"Di ah." Maikling sagot ni Kevin. "Selos your face!" Sigaw ulit ni Kevin at nagtawanan kaming lahat.


Nakita kong naglagay ng headphones si Clark sa tenga niya at nanahimik na lang. "Okay ka lang Clark?" Tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa bintana. Baka hindi niya ako narinig? "Uy, Clark." Hinawakan ko siya sa braso at dun niya na ako nilingon.


Tinanggal niya naman yung headphones niya. "Bakit?"


"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.


"Oo naman. Ikaw talaga. Ang cute cute cute cute mo!" At pinisil niya yung magkabila kong pisngi.


"A-a-aww."


"Oww. Sorry." Sabi niya.


"Ayos lang." At nginitian ko siya.


"Clark! Di ba sabi ko walang tsansing?!" Sigaw ni kuya Kit.


"Di naman ah?!"


"Kuya! Wag pani--- Haayy! Tss." Nagtinginan kaming dalawa ni Clark sa sinabi ko.


"Anoo?!" Nagulat si Kuya. Nako! "Pagkauwi na pagkauwi natin, mag usap tayo." Seryosong sabi niya sa akin. Lagot na.


"Kuya naman eh!" Sigaw ko.


"Halaa ate, Grazz!" Asar pa ni Grace.


Tinignan ko si Kevin na nakatingin sa akin at agad niya namang iniwas yung tingin niyang yon. Pero ang masaklap pa, irap yon. "Sungit neto." Bulong ko sa kaniya at inirapan ko din siya.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon