Chapter 27

54 7 0
                                        

Grazziana's POV

"Wag kang maingay! Nahihibang ka na ba?" Pabulong na parang pasigaw sa akin ng lalaki.


Dinilat ko yung mata ko. At laking gulat ko na andito sila Kevin, Clark, Perry, Nathan at James. Ang lalaking nakasalo sa akin at nagtakip ng bunganga ko ngayon ay si Kevin.


"B-bakit kayo nandito? Umalis nga kayo. Hindi ko kayo kailangan." Pagsusungit ko sa kanila.


"Ikaw, nakakainis ka na ah? Kukunin namin yung kuya mo. Kaya wag kang maingay." Sabi sa akin ni Kevin at inilagay ulit niya yung kamay niya sa bunganga ko.


Ano kayang gagawin ko para hindi na sila makialam sa amin? Tutulong kasi sila? Labag pa sa kalooban.


Nginitian ko sila at nagtataka sila. "Uy! Kevin. Pasok tayo don sa kwartong yon. Pumasok ako doon kanina. May daan papunta sa loob ng warehouse. Tara, pasok tayo." Bulong ko sa kanila.


"Sigurado ka ha?" Panigurado ni Kevin.


"Tara pre! Maganda yung naisip ni Grazz."


"Sige na. Tara na dun. Dali!" Pagmamadali ko at tinutulak tulak ko pa yung mga likod nila.


Ngayon, nasa loob na sila at ako naman nasa labas pa lang. "Oh, ano pang ginagawa mo diyan? Tara na." Sabi ni James.


"Pero, teka pre! Walang pasukan dito." Sabi ni Nathan.


Maya't maya sinarado ko ang pinto at nilock 'yon. Pinadlock ko yon. Lumang luma talaga ang padlock at mukhang madali nilang masira eto. Pero bahala na!


James' POV

Bakit naman ginawa sa amin ni Grazz 'yon? Halatang galit si Grazz sa amin.


"Huy! Grazz! Ilabas mo kami dito!" Sigaw ko.


"Hoy bruha! Buksan mo 'to." Sabi ni Kevin. At pilit na binubuksan yung pinto.


"Bahala kayo diyan! Wag niyo na akong tulungan. Gagawin kong mag isa 'to. Ilalabas ko si Kuya dito!" Ramdam naming lahat na umiiyak siya. Pati si Clark napatingin sa amin.


"Uy! Buksan mo naman 'to." Mahinahong bulong ni Kevin kay Grazz.

"Sorry." Sabi ni Grazz.


Kaming apat lang ang nagpapanic dito sa kwarto. Pero si Clark, wala lang sa kaniya. Nakaupo lang siya at nakayuko.


"Clark! Tumulong ka naman dito!" Sabi ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin. Gago talaga 'to.


"Naisahan tayo ng babaeng yo'n." Sabi ni Kevin. "Ang talino talaga."


Grazziana's POV

Napaiyak na lang ako sa sinabi ko sa kanila. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nila sa akin kanina. Lalo na kay Clark. Hindi ko talaga inaasahang gagawin niya yo'n. Sobrang sakit lang.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon