Grazziana's POV
Nagising ako dahil may naramdaman akong bigla na lang humiga sa kama ko.
"Good morning Grazziana my labs." Iminulat ko yung mga mata ko at nanlaki.
"Waaaaa! Lumayo kang bakulaw ka!" Sigaw ko at tinulak siya.
"Aray naman! Sa gwapo kong 'to? Bakulaw ako?"
"E'to naman! Nagulat lang. Umagang umaga kasi mukha mong napakagwapo ang makikita ko." Sambit ko.
"Hoy! Wag kang ganiyan, kinikilig ako." Sigaw niya sa akin at namumula yung pisngi niya. Ang cute talaga ng best friend ko.
"Wag kang kiligin. Nakakabakla." Biro ko.
"Bawal bang kiligin ang lalaki ha?" Tanong niya.
"Oo na!" Sambit ko.
"Bumangon ka na." Utos ni Kevin.
"Opo boss. Baba ka na at mag aayos na ako."
"I love you." Ngumiti siya at papalabas na ng kwarto ko. Hindi na ako nakasagot pa dahil agad siyang lumabas.
"Waaaaaaaaa!" Sigaw ko sa sobrang kilig.
May biglang pumasok sa kwarto ko. "Hoy! Anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Kevin. Tumawa naman ako sa naging reaksyon niya. "Ang sama mo naman. Pagtawanan ba naman yung gwapo kong mukha? Ano ngang nangyari?" Nakakatawa talaga siya.
"Wala." Sambit ko na nagpipigil pa ng tawa.
"Sus. Sige na manhid! Bilisan mo, aalis tayo nila Kit."
"Hah? Ano sabi mo?! Ako?! Manhid?! Mas nakakaloka naman ang torpe kesa sa manhid diba?!" Inis kong sabi.
"Oo na, torpe na ako. Sayo lang naman ako nagkaganito."
"Oo na! Lumabas ka na sa kwarto ko dali! Mag aayos na ako." Pagtataboy ko sa kaniya at tinulak siya papalabas ng kwarto ko sabay lock.
Sumandal ako saglit sa pinto ko at hinawakan yung dibdib ko. Pinakiramdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hays! Nababaliw na talaga ako! Binabaliw ako ni Kevin!
Nag ayos na ako ng sarili ko at siyempre nagpaganda talaga ako!
Pababa na ako nang makita ko silang nasa sala. Andito yung family nila Kevin. Sila Ate Kat, Tita Josephine, Tito Max, at yung cute cute na batang Kenneth. Ako na lang pala ang hinihintay nila.
"Tara na, Grazz." Pagtatawag ni Mommy sa akin.
Lumabas na silang lahat at si Kevin hinihintay ako. Patuloy akong bumaba ng hagdan at napansin kong hindi pa din umaalis si Kevin.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...