"Huwag ka ng mag alala, Grazz. Nandito na ako." Bulong sa akin ni Clark. Tila bumagal ang paligid ko dahil sa biglaang pagdating ni Clark. Para siyang super hero ko na magliligtas sa akin. Para rin siyang prinsipe ko na magtatanggol sa akin. Omg! Lagi na lang akong kinikilig sa gwapong 'to. Kahit pangit daw ako sabi ng karamihan, okay lang. At least, close kami ni Clark. Medyo may pagkasuplado nga lanh kasi itong si Clark kapag sa ibang tao na. Buti na lang at mabait siya sa akin.
Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Clark habang buhat buhat niya ako at ipinikit ko ang mata ko. Dahilan ng pagkahina ko at dahil sa sugat ko sa tuhod. Finifeel ko. rin ang muscles niya sa dibdib. Ang bango bango niya!
Nakarating kami sa clinic. "Nurse Jin, may sugat po si Grazz, kayo na po ang bahala sa kanya."
"Sige, Clark." Sagot ni Nurse Jin.
"Salamat po." Ngumiti naman ng malapad si Clark kay Nurse Jin at tumingin siya sa akin na may halong pag aalala. Kaya ngumiti ako sa kanya para mapanatag siya.
"Salamat, Clark." Pasasalamat ko kay Clark saka ngumiti sa kanya.
"Walang anuman, Grazz. Basta ikaw." Sabi sa akin ni Clark at sinabayan pa niya ng pamatay na ngiti niya. Pwede na bang himatayin? Tutal, nasa clinic naman ako eh.
Tinignan ko si Nurse Jin na nakangisi na pala sa akin. Ano naman kayang pumasok sa utak ni Nurse Jin? Parang nang aasar eh. Masama kaya ugali nito? Nakakatakot siya. Parang masungit pero ang ganda niya!
"Grazz, Boyfriend mo si Clark?" Si Clark? Boyfriend ko? Dinala lang ako ni Clark dito sa Clinic, boyfriend na agad?
"H-huh? Hindi po. Kaibigan ko lang po siya." Sabi ko kay Nurse Jin sabay ngiti.
"Alam mo Grazz, kinikilig ako sa inyo kanina." Kakakilala pa lang namin hinampas agad ako. Pero mahina lang. Ang cute ni Nurse Jin. Palabiro din pala siya.
"Nako, napaka-palabiro niyo naman po." Nahihiyang sabi ko at napayuko. "Ang cute niyo po." Sabi ko kay Nurse Jin.
"Ikaw talaga. Oo, alam ko. Matagal ko nang alam." Nagtawanan kami ni Nurse Jin. Ang ganda niya lalo kapag tumatawa. "Ate Jin na lang pala itawag mo sa akin."
"Talaga? Sigurado po ba kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo naman!" Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko akalain na makakaclose ko agad ang school nurse ng Ashton. "Uy, alam mo bagay kayo ni Clark." Sabi niya sa akin.
"Ikaw talaga ate, pangit ako at gwapo siya kaya hindi kami bagay." Biro ko.
"Sasabihin ko bang bagay kayo kung hindi ka maganda?" Nakakataba ng puso. Kinikilig na naman ako. Iba talaga si Ate Jin. Kinikilig ako tuwing may nagagandahan sa akin. Eh, si Clark kaya? Nagagandahan din ba kaya siya sa akin?
"Nakakakilig ka naman, ate. Thank you po." Pasasalamat ko kay Ate Jin saka niya ako hinawakan sa balikat.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
