Chapter 10

131 12 0
                                        

"Kaya wag ka ng magtaka kung bakit ka niya binubully." Sabi sa akin ni kuya.


Ngayon alam ko na, kaya pala expert na expert mang bully si Kevin ngayon kasi noon pa man bully na siya. Ano kayang problema 'non? Bakit nagagawa niyang mang bully? Hindi ba't karaniwan sa mga bully mayroong rason kung bakit sila nang bubully? May pinagdadaanan ba siya ngayon? Ano ba yan, ang daming tanong sa isip ko about kay Kevin. Teka, bakit ko ba iniisip 'yon.


Lumabas na ang doktor at agad naman kaming lumapit nila kuya. "Kamusta po ang anak ko?" Alalang tanong ni tita Annie sa doktor.


"Okay na po siya, bumaba na ang lagnat niya. Kailangan niya lang po magpahinga. Pwede na po siyang umuwi mamaya. Thank you." Sagot ng doktor at umalis na.


Pinasok na namin si Alexandria sa room niya. "Kamusta besty?" Tanong ko na may halong pag aalala.


"Medyo okay naman na ang pakiramdam ko. Salamat ha?" Sagot niya na may kaunting panghihina.


"Walang anuman." Ngumiti lang ako sa kanya.


"Grazz, Kit? Uwi na kayo. Baka nag aalala na si Giselle 'don." Pag aalala din ni tita Annie sa amin.


"Paano po kayo at si Alexandria?" Tanong ko pa.


"Okay na kami. Maya maya, uuwi na din kami. Bumaba na din naman yung temperature ko. Magpapahinga lang ako nang sandali." Sagot ni Alexandria.


"Sigurado ka?" Paninigurado ko.


"Oo naman." Saka siya ngumiti sa akin.


Nagpaalam na kami ni Kuya sa kanila Tita Annie at Alexa. Sumakay na kami sa kotse ni Kuya. Parehas kaming pagod ngayong araw kaya ni isa sa amin walang umimik. Nang pagkauwi namin sa bahay, dumeretso agad ako sa kwarto ko. Sinalubong naman ako ni Zoe. Nakipaglaro ako saglit sa kanya kaya medyo nawala rin ang pagod ko. Pagkatapos naming maglaro ni Zoe, natulog na ako kasi may pasok pa kami bukas.


──●◎●──


Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Ang aga kong nagising dahil 4:30 AM ako nag set. Bumaba na ako at nakita ko si Kuya na tulog pa. Si mama naman tulog pa din. Gano'n din kila Grace at Daddy. Naisipan kong ipasyal muna si Zoe kasi maaga pa. Gising naman na siya eh.


"Arf! Arf!"


"Zoe, gusto mo pasyal kita?" Tanong ko sa kanya.


"Arf! Arf!"


Kinuha ko yung dog lace ni Zone at ikinabit sa leeg niya. Sinuot ko din ang jacket ko kasi mahamog pa sa labas. Pumunta ako sa store para kunin yung pagkain ni Zoe. Nang may biglang bumulaga sa akin sa may store namin.


"Pabili nga po!"


"Ay kabayo!" Gulat kong pagkasabi.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon