"Wag mo akong iiwan." Natigilan ako sa sinabi ni Kevin nang magseryoso siya. Ano bang nangyayari dito?
"Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ang sabi ko, wag mo akong iiwan. Kasi.." Hininto niya bigla yung pagkakasabi niya at bigla siyang ngumisi ng nakakaloko sa akin. Ano na namang plano nito?! "Kikilitiin pa kita!" Bigla naman niya akong kiniliti sa tagiliran ko. Sabi ko na nga ba eh, may plano na naman tong mokong na 'to na hindi maganda! Nakakainis talaga!
"Kevin! Tama na!" Tawang tawa kong sabi sa kanya. Grabe na 'to. Halos hindi ako makahinga sa kakatawa!
"Hinding hindi kita titigilan! Makakabawi din ako!" Sigaw niya habang tawa din nang tawa.
"Hoy Kevin, may namamatay sa kiliti! Pag ako talaga, namatay!"
"Ehem, ehem." May narinig akong umubo sa tabi ng pinto. Lumingon kami ni Kevin at biglang natigilan nang makita namin si Clark.
Inayos ko ang sarili ko. "H-hello Clark." Nauutal kong sabi na pakaway kaway pa sa kanya.
"What are you doing?" Tanong ni Clark na nakakunot ang noo. Anong problema nito?
Mag sasalita na sana ako pero biglang sumabat si Kevin. "Nagtatawanan lang. Sweet ba kami?" Hinampas ko naman agad siya saka ko tinanggal agad ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Aray naman! Ang sakit!" Sabay hawak sa braso niya.
"Ikaw naman kasi! Napaka-epal mo!" Sigaw ko sa kaniya. "Ahm, Clark. Pasensya na ah? Crush lang talaga ako ni Kevin kaya ganyan." Bawi bawian lang, huh.
"Hoy! Ano ba ang sinasabi mo? Asa ka na magugustuhan kita! Eh, ang pangit pangit mo nga!" Aba! Nilait na nga ako, sinigawan pa! Pambihira talaga ang Kevin na 'to!
"Kevin, let's go home." Sabi ni Clark. Hay buti naman at makakauwi na din 'tong bakulaw na 'to.
"Okay sige. Bye panget!" Asar ni Kevin sa akin habang tumatayo.
"Panget mo yang mukha mo. Sapakin ko yan eh." Pagtataray ko.
"Sige nga!" Sigaw ni Kevin.
"Stop! Uwi na tayo Kevin." Kunot noong sabi ni Clark. Napatigil kami ni Kevin nang magtaas ng boses si Clark. Bad mood ba 'yon?
"Bye Clark!" Paalam ko kay Clark.
"Bye Grazz! Good night na din." At naiwan nila akong nakatulala. Hay, Grazz! Ano ba 'yang inaasal mo?! Nag paalam lang si Clark sa'yo, 'no! Hindi mo kailangang kiligin ng bongga!
──●◎●──
Pumasok na ako ng school. Nauna na si Kuya Kit kasi may training pa daw sila ng 5:00 AM. Parang warm up na lang daw nila yun. Kaya 5:00 AM pa lang ay nasa school na siya. Si Grace naman wala na din dito. Baka pumasok na din yun. Iniwan ba naman ako.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...