Chapter 80

56 5 0
                                        

Grazziana's POV

"Hoy! Asan kang holdaper ka?! Pakawalan mo 'ko?!"


"Hoy! Ang tagal mo namang paandarin 'tong sasakyan!"


"Hoy! Naiinip na ako dito! Palayasin mo na ako pwede?!"


"Kapag ako talaga nabwisit, tatawagin ko yung super hero ko! Tatawagin ko talaga si Kevin! Bahala ka diyan! Mapapatay ka non! I swear!"


Naramdaman kong umandar na yung kotse. Waaa! Saan ako dadalhin ne'to?!


"Hey! American!" Tawag ko, baka amerikano itong kumidnap sa akin eh!
"Can you please let me go?!"


Aba hindi ata ako naiintindihan? Ano 'to espanyol? hapon? koryano?


"Sabi ko, pakawalan mo ako! Bingi ka ba? Shunga ka ba?! Hindi mo ba ako maintindihan?! Ano bang lenggwahe mo ha?!"


"Waaaa! Kevin! Help meee! Promise hindi na kita aawayin iligtas mo lang ako please!"


Napagod na din ako kakasigaw kaya huminto na ako. Napansin kong tumigil na din yung sasakyan. Pinagbuksan ako ng kidnaper at binuhat niya ako.


"Rapist! Pakawalan mo ako! Waaaa!"


Pina-upo niya ako sa isang upuan. Omg! Magiging action scene ba ito?


"Shut your mouth!"


OMG! FAMILIAR YUNG BOSES NIYA SA AKIN.


"Hoy! Parang kilala kita ha! Pa english english ka pa diyan! Gusto mo tadyakan kita ha?!"


Dahan-dahan niyang tinangal yung blind fold.


"Surprise!"


Kat's POV

Bumalik na ako sa hotel na nakapatay ang ilaw. Hay! Kamusta kaya si Grazz?! Dapat pala hindi ko na siya iniwan kanina. Ano ba yan! Mag aaway nanaman kami ni Kit at Kevin eh!


May napansin ako sa sala na may kandila.


Ano bang hotel 'to?! Wala bang ilaw kaya kandila ang nilagay?!


Tapos pinag patuloy ko ang paglalakad hanggang sa nakita ko ang buong view.


Wow!


Kahit common, kikiligin ka pa din sa view. Ang ganda! May mga petals ng roses na naka kalat dito.


Teka, may date ba dito?! Tama ba 'tong room na pinasukan ko?


"Hi! Is anybody here?" Tawag ko pero walang sumasagot.


"Aish! Mali yung napuntahan kong room. Ang shunga ko." Bulong ko sa sarili ko.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon