Grazziana's POV
"Guys! Girlfriend ko nga pala si Alex. Matagal na. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa inyo. Hindi pa kasi ako ready eh." Sabi ni Nathan at itinaas niya yung kamay nila ni Alex na magka holding hands.
Nag asaran lang sila pero ako hindi nakisama. Hindi kami okay ni Alex ngayon. Syempre matapos lahat ng ginawa niya, magiging okay pa kami?
Ngumiti si Alex sa amin na nahihiya. Umalis lang ako habang sila nagpipikunan. Hindi naman sa hindi ko gusto si Alex kay Nathan. Basta, hindi ko lang feel si Alex sa ngayon.
──●◎●──
"Anak! Gising na! May pupuntahan tayo ngayon." Sabi ni mommy. Pupuntahan? Saan naman?
"Ma, wala po kaming pasok ngayon."
"Kaya nga may pupuntahan tayo diba?" Hay! Oo nga pala.
"Saan po?" Tanong ko.
"Sa best friend ko. Mag impake ka na. Doon tayo matutulog. Bonding lang namin."
After kong magbihis at nag impake, bumaba na ako. "Ready na kayo?" Tanong ni Daddy.
"Yep dad!" Sagot naming tatlong magkakapatid.
Nagkwentuhan lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami.
"Wow! Ang ganda!" Sabi ko. Nakakamanghang bahay! Ang yaman ng best friend ni mommy.
Nag doorbell na si mommy.
"Kathy!" Sabi ni Tita Josephine. Tita Josephine? Yung may ari ng school? Ang mommy ni Kevin?
"Hi tita. Asan po si Kevin?" Tanong ni kuya Kit.
"Ah, bumalik sa isa naming bahay. May kinuha lang. Hintayin mo na lang. Maya maya darating din yon." Ibig sabihin ibang mansion pa nila itong pinuntahan namin?
"Kuya, dalawa bahay nila Kevin?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo."
"Uy, andito pala si Ate Kat." Pang aasar ko kay Kuya.
Biglang namula si Kuya. "Ssh! Wag kang maingay!" Bulong ni Kuya sa akin.
Pinapasok kami nila tita Josephine. Nakita ko agad si Ms. Kat at yung isang kapatid niya. "Hi Ms. Kat." Bati ko sa kaniya.
"Hello Grazz. Hindi ako principal ngayon. Ate Kat na lang ang itawag mo sa akin. Anak ka naman ng best friend ni mommy kaya okay lang!" Ang bait talaga ni ate Kat!
"Okay po." Ngumiti ako sa kaniya.
Nilapitan ko yung ang cute cute na kapatid nila. Yung bunso. Si Kenneth. Waaaa! Ang cute ng pisngi niya. Ang taba taba niya. Nakakagigil siya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
