Kevin's POV
Napatingin kaming lahat kay Grazz nang tumunog yung phone niya. Hindi ko na din siya nakaka-usap. Peste kasi yang school na pinasukan niya! Hindi sila bigyan ng free time.
Sabi ni Kit, lagi daw natatambakan si Grazz ng homeworks, projects and reports at lagi daw siyang puyat. Alam niyo naman si Grazz, hindi siya patalo basta academics ang pinag uusapan.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya umalis ng hindi man lang pina-paalam sa amin. Masakit lang kasi sa akin na iwan niya ulit ako tulad ng ginawa niya sa akin noon. Alam kong hindi niya din inaasahan yon noon. Pero natatakot akong iwanan niya ulit ako.
"Anong pakulo na naman yan, Clark? Eh nasa California ka."
Tama ba yung narinig ko? Si Clark?! Eepal nanaman yan. May nalalaman pang pa surprise yang si Clark! Baka gusto niyang sorpresahin ko siya ng suntok pag dating niya? Oo, masakit din sa akin nong simula na isuko ni Clark si Grazz at ibigay sa akin, umalis din siya ng hindi pina-paalam at pumunta siya ng California.
Nang mag second semester, umalis si Clark sa AU. At si Grazz, sa Westwood University naman lumipat. Naging boring ang mga natirang panahon no'ng umalis sina Grazz at Clark kaya wala akong ibang ginawa kun'di ang mang-bully, ang bumalik sa dati.. Iniwan din naman ako ni Grazz. Nakakagago lang kasi simula nung iniwan niy ako, bumalik na naman ako sa dati.
"Sige na kasi! Ano yan?"
Masaya na ako na naka-move-on na si Grazz kay Clark. Pero ngayon ko lang nalaman na nag-uusap na sila. Sana nga hindi na dumating sa puntong mahulog ulit si Grazz kay Clark kasi si Clark yung laging nandiyan para sa kaniya ngayon. Napapangunahan kasi ako ng pride at galit. Pero may tiwala ako kay Clark.
"Sabihin mo na. Naiinip na ako."
"What?! Nasa Pinas ka na Clark?!"
Lahat kaming magbabarkada nagulat sa sinabi ni Grazz. Seryoso? Nasa Pilipinas na si Clark? Diba dapat kami ang una niyang sasabihan. Bakit si Grazz? Posible kayang hindi pa rin nawawala yung nararamdaman ni Clark kay Grazz? Nakaramdam na lang ako ng kaba habang iniisip ko yon.
"Ano?! Teka teka!"
Lumabas si Grazz na excite na excite. Hindi ko maiwasang malungkot habang siya nagpapakasaya kay Clark. Taena! Ba't ba kasi ang torpe ko?! Ilang taon na ang nakalipas hindi pa din ako umaamin! Dahil ba ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin? Pero mahal ko si Grazz higit pa sa kaibigan. Hanggang ngayon nga, suot ko pa din yung friendship bracelet namin at nakita ko din sa kaniya yon mismo sa kamay niya.
Pakshet kasi Grazz! Ba't ba ako natatakot na umamin sayo?!
Puta, nakaka-bakla sa paningin niyo! Imagine? Isang Kevin Sarellano, takot umamin?! Shet.
Gustong gusto kong sundan si Grazz. "Sundan mo na pre. Kanina ka pa hindi mapakali diyan eh." Bulong ni Nathan sa akin. Napapansin pala nila yung katarantaduhan ko.
Tumango lang ako sa kaniya at tatayo na. Pero may pumigil sa akin. "Kevin, saan ka pupunta?" Tanong ni Kiara at pumulupot sa braso ko. Pisti ka!
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...