Lexi's POV
@Mansion nila Clark
Nakita namin na nandito din pala sila Kuya Kit, Ate Kat, Aaron, Krystal, Mike at Grace. Kinwento ko kung ano yung plano sa kanilang lahat. Maliban kay Alex, Kevin at Grazz.
"Alam mo Lexi? Kanina pa tayo parehas ng iniisip. Kaya ko ginawa yon para mag selos si Kevin. Effective ba?" Nakakalokong sabi ni Clark. Plano pala ni Clark! Akala ko'y babawiin na niya si Grazz kay Kevin!
"Sinabi mo pa. Muntik na nga kaming madisgrasya sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse niya kanina eh!" Reklamo ko. Buti nga buhay pa ako!
"Alam niyo guys? Handa akong sirain ang birthday party ko para sa dalawang kaibigan ko." Naka ngising sabi ni Clark.
"Huh?!" Sigaw naming lahat. Paano naman masisira? Wala akong planong gano'n ha!
"Kasi mamaya, may madramang eksena. May kaguluhan. At sa kanila ang atensyon ng lahat. Alangan naman na magbulungan lang silang dalawa diba? Kaya nga wala akong masyadong inimbitahan sa birthday ko at kayo-kayo lang." Napangising sabi ni Clark. Ewan ko nga kung bakit ginagawa 'to ni Clark kahit nasasaktan siya.
"Ihanda handa mo na yang napakagwapo mong mukha Clark." Sabi ni Nathan.
"Always ready ako. Immuned na ata yung mukha ko kakasapak ni Kevin."
"Ang talino mo talaga Clark!" Sigaw naming lahat. So, planado na.
GET READY!
Grazziana's POV
Naka-upo lang ako dito sa sala nila Clark at nanonood sa sweet moment nila James at Ayesha habang kumakanta.
"Hi. Are you Grazziana right?" Napalingon naman ako sa tumabi sa akin.
Teka, si Kiara ba 'to?
Tama! Siya nga! At bakit andito yan aber?
"Y-yes. Why?" Mataray kong tanong.
"Diba ikaw yung best friend ni Kevin?"
"Oo, bakit?"
"Ang swerte mo." Nakangiti niyang sabi. Ba't parang ang bait naman ata niya?
"Oo nga. May Best friend akong katulad niya." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Alam kong may gusto ka kay Kevin. Please, magselos ka!
"Alam mo bang minahal ka niya na higit pa bilang best friend niya?"
Napa-kunot yung noo ko sa sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Sa tingin ko hindi mo pa alam. Sige, una na ako." Pagmamadali niya.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...