Chapter 29

51 5 0
                                        

Kit's POV

Nandito kami ngayon sa garden. Anim kaming nandito. Hindi na kami pumasok ng first period kasi kailangan ko talaga yung paliwanag nila.


"Kit, ganto kasi yan. Hinahanap ka namin non. Hindi namin alam kung saan ka namin hahanapin. Hindi mo man lang kasi sinabi kung na saan ka kaya wala kaming idea. Si Grazz, natataranta na. Nagpapanic na siya. Alalang alala siya sayo. Si Grazz, hindi niya mapigilang magalit kay James, Perry at Nathan. Kasi pinapahinahon nga nila si Grazz pero ayaw niya kaya nagalit si Grazz sa kanilang tatlo. Pero alam kung grabe ng galit ni Grazz nung sinigawan ni Nathan si Grazz. Si Kevin naman, pinilit niyang awating yung apat. Walang kinampihan si Kevin non kaya wala siyang kasalanan. Nadamay lang si Kevin sa galit ni Grazz sa amin." Sabi ni Clark. Bakit kasi nila gaganunin si Grazz, eh sensitive siya kapag sinisigawan siya ng isang tao. Lalo na kung close pa niya. Si Grazz kasi mas nagiging close sa lima.


"Ako naman ang pinakamalalang ginawa kay Grazz. Naging sobrang close kasi kami. Para ko na siyang kapatid o bestfriend. Kami yung laging magkasama sa classroom. Pero mali yung ginawa ko sa kaniya. Nagalit siya sa akin dahil hindi niya ineexpect na masisigawan ko siya." Yumuko si Clark.


"Pero Kit, aamin ako sainyo ha? Kaya ko ginawa yun kay Grazz kasi mahal ko siya." Mahal? As in mahal? "Kit, mahal ko ang kapatid mo. Mas higit pa sa kaibigan. Kit, hindi ko na kayang itago pa yung nararamdaman ko para sa kaniya." Sambit niya.


Tangina. Halatang nagulat pati yung apat sa sinabi ni Clark. "Ayoko lang naman kasing mapahamak si Grazz kaya ko ginawa yon. Pero nagkamali ako, Kit. Akala ko maproprotektahan ko siya pero hindi." Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit si Grazz sa kanila. At ngayon, naintindihan ko na kung bakit napahamak pa si Grazz.


"Kapag nalaman niya yan, mas maiintindihan niya." Sabi ko kay Clark at tinapik yung balikat niya.


"Pero Kit. Please, wag mo munang sasabihin sakanya na mahal ko siya. Siguro naman, may tamang panahon para malaman niya yon." Pagmamakaawa niya sa akin.


"Ako ng bahala sakaniya." Sabi ko.


"Salamat. At kayong apat! Wag kayong madaldal." Tinuro ni Clark yung apat.


"Aalis na ako." Mahinang sabi ni Kevin sa amin. Kumunot yung noo ko at nagpapalitan naman sila ng tingin. Si Clark napa iling na lang.


Grazziana's POV

Time na pero bakit wala pa yung lima? I'm sure, nag cutting nanaman yung mga yon.


"Hi Grazz." Pakaway kaway na sabi sa akin ni Jacob. Umupo muna siya sa upuan ni Kevin. Wala pa kasi sila eh.


"Hello."

Maya't maya may pagdabog kaming narinig sa pintuan kaya lahat kami napatingin sa kaniya.


"Mr. Sarellano! Bakit mo dinabog yung pinto?" Sabi ni Sir Peter. Yung bakla naming teacher. Yung sobrang sungit. Kahit kindatan pa nila Kevin yan, di eepekto. "At bakit ka late?!" Sigaw ni sir Peter sa kaniya.


"It's none of your business." Irap ni Kevin kay Sir Peter. Lahat kami nagulat sa inasta niya.


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon