Chapter 28

34 5 0
                                    

Grazziana's POV

"Anak, asan ang kuya mo?" Tanong ni mommy.


"Ahm, si kuya po? Natulog daw po sa bahay ng kaklase niya. May group project daw po kasi sila na kailangang maipasa bukas. Rushed na raw po kasi." Pagsisinungaling ko kay mama. Napakaraming beses na akong nagsinungaling kay mama. Hays.


"Sige. Pero papasok ba siya bukas?" Tanong ni daddy.


"Opo."


"Sige, matulog ka na. Alam kong pagod ka." Sabi ni mommy. At tumango na lang ako sa kaniya.


Umakyat na ako sa kwarto ko para makatulog at makapagpahinga na. May pasok pa kasi bukas. Sana pumasok si kuya. Gusto ko kasi siyang makita. Nakakapanibago, walang nang aasar sa akin ngayon. Si Grace naman, nakakulong na naman sa kwarto niya. May sariling mundo.


──●◎●──


Nagring na yung alarm clock ko. Mas nasanay ako na si kuya ang gumigising sa akin. Miss na miss ko na siya.


Kumain na ako ng almusal at naligo. Nag ayos lang ako ng konti at nagpaalam na sa kanila mommy at daddy. Sabay kaming pumasok ni Grace ngayon. Parehas kaming naging tahimik ni Grace sa byahe. Ang laki talaga ng pinagbago kapag wala si kuya.


"Una na ako, Ate!" Sabi sa akin ni Grace kasi kasabay niya na si Krystal at tumango ako sa kaniya.


Pumasok na ako sa school pero hinihintay ko pa rin si kuya sa gate. Inaabangan ko siyang pumasok. At ayan na nga. Pumasok na siya. Mukhang mag isa niya --- ay hindi pala. Buntot sa kaniya yung lima. Naiinis parin talaga ako sa lima.


"Kuya!" Agad kong niyakap si kuya. Hinawakan niya naman yung ulo ko sa dibdib niya at niyakap niya rin ako.


Bumitiw na kami ni kuya sa pagkakayakap namin ng tinawag ako ni Clark. "Grazz."


Tinignan ko lang siya at hindi pinansin. "Ah kuya, maya na lang tayo mag usap ha? Mamayang break time." Paalam ko kay kuya at umalis na ako.


Tumambay muna ako sa library kasi wala pa namang time. Masyado kasi akong maagang pumasok.


Tinignan ko yung orasan ko para malaman kung time na o hindi. Malapit nang magtime kaya pumunta na ako sa classroom. Pagkapasok na pagkapasok ko, yung lima agad yung nakita ko. Tumingin din kasi silang lima sa akin pero agad ko namang inalis yung tingin ko sa kanila.


Pumunta na ako sa upuan ko at nakinig nalang sa teacher namin. Nahahalata kong senyasan yung lima at nakatingin sa akin. Tss.


"Huy!" Bulong sa akin ni Kevin pero kahit isang sulyap lang sa kaniya, hindi ko ginawa. Katabi ko pa kasi to eh. At ang mas masaklap pa, katabi ko si Clark!


"Uy! Mamansin ka naman." Bulong ulit sa akin ni Kevin. Pero hindi ko ulit siya pinansin.


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon