Chapter 33

42 5 0
                                    

Grazziana's POV

Bakit nagkakagulo ngayon? Ang daming tao ngayon sa quadrangle. Anong meron? Itunulak ko yung mga tao para makadaan at makita kung ano yung pinagkakaguluhan nila. Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Yung lalaki duguan at pinagbububugbog ni Kevin. Agad akong pumunta sa lalaking duguan para ipagtanggol iyon. "Kevin! Stop it!" Sigaw ko kay Kevin.


"Umalis ka nga!" Sigaw din sa akin ni Kevin.


Patuloy na binugbog ni Kevin yung lalaki. Hinahanap ko yung lima pero wala sila. At bakit hindi man lang awatin ng mga estudyante dito sila Kevin?


"Kevin! Sabi ko tama na!" Tinutulak ko na si Kevin pero di siya paawat. Masyado siyang malakas para maitulak ko siya.


"Wag mo nga akong pinipigilan, Grazz!" Mas lalong tumaas ang boses ni Kevin kumpara kanina.


Nainis ako sa sinabi niya kaya bago pa man masapak ni Kevin yung lalaki ay inunahan ko nang sapakin si Kevin at agad naman siyang napatumba.


"Makinig ka kasi sa akin Kevin!" Sigaw ko sa kaniya.


Tinitigan niya lang ako na nakakakunot ang noo. At pinupunasan niya yung labi niyang may dugo na sinapak ko. Nararapat lang sa kaniya yan. Kulang pa nga yan sa ginawa niya sa lalaki eh.


Ilang minuto kaming nagkatitigan pero ni isa sa amin ay walang bumawi ng tingin. Maya maya ay umalis na siya sa harap namin.


Tinulungan ko yung lalaking duguan na pumunta sa clinic.


"Ano ba kasing pinag awayan niyo ni Kevin?" Tanong ko sa lalaki.


"Gan'to po kasi yan ate. Binubully niya po ako kanina. Sinasabi niya po na abnoy na daw ako. Nainis po ako kaya pinwersa ko yung sarili kong kalabanin si kuya Kevin kahit 'di ko po siya kaya. Ginawa ko pa rin po kasi galit na galit na ako ate." Paliwanag no'ng lalaking sa tingin kong mas bata pa sa amin.


Gago talaga yung Kevin na yon kahit kailan! "Wag mo kasing kakalabanin yon. Masyado siyang malakas. Wag mo nalang pansinin. Kung binully ka no'n, sabihin mo sa akin. Malilintikan yon."


"Campus bully talaga si Kuya Kevin, ate. Alam mo ba non? Sinasapak pa ni kuya Kevin yung mga babaeng kumakalaban sa kaniya. Pero ang pinagtatakahan ko lang ate, bakit hindi ka niya kinalaban kanina?" Umiling na lang ako sa sinabi niya.


"Ewan." Sagot ko.


"Hindi kaya takot siya sayo, ate?" Tanong ulit niya.


"Siguro."


"Swerte mo ate."


"Bakit naman?"


"Kasi di ka niya pinapatulan." Kung alam mo lang, grabe din ang pang bubully sa akin niyan."Sige ate. Mauna ka na sa classroom mo. Kaya ko na sarili ko."

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon