Kit's POV
*ring..ring..rin-
Putcha! Sino ba 'tong buset na kayang guluhin ang umaga ko?!
["Hello!"] Sigaw ko. Bwisit! Panira ng araw!
["Hoy! Problema mo?! Kung makasigaw ka huh?"]
["Taena! Kung ikaw kaya tanungin ko?! Anong problema mo at ginugulo mo ang buhay ko!"]
["Ulol! Grabe ka naman! Buhay agad ang ginugulo ko? 'Di ba pwedeng yung tulog mo lang?"] Putakte! May gana pang makipag asaran! Eh yung buhay kaya niya ang wasakin ko?!
["Hindi mo ba alam na ang ganda na nang panaginip ko tapos ikaw 'tong bwisit na eepal!"] Tae! Ayaw ko yung ginugulo ako eh! Lalo na't si Kat pa ang panaginip ko! Aish!
["Ano bang panaginip mo ugok? Si Ate Kat siguro, no?"] Pang aasar niya.
["Oo! Kaya pwede bang wag ka nang manggugulo kung wala ka ng ibang sasabihin? Bye!"]
["Hoy teka! Maysasabihin ako tungkol kay -"]
*toot..toot..
Bwisit ka sa buhay ko Kevin! Hindi ko nga lubos maisip kung bakit naging katropa pa kita eh. Ikaw kasi ang pasakit sa ulo ko. Bwisit! Pero shunga ka! Hindi ko mapigilan na ma curious sa last na binanggit mo. Anong sasabihin mo sa akin?! At tungkol kanino?! Takte! Matawagan ka nga ulit kahit naiinis ako sayong bakulaw ka!
["Hoy!"] Sigaw ko.
["Wow! Ang ganda ng 'hi' mo sa akin ah."] Pangaasar niya.
["Bwisit ka! Manahimik ka! At ano pala yung sasabihin mo?"] Tanong ko. Pero walang sumasagot. ["Hoy Kevin! Asan ka na?"] Pero wala pa rin. ["Hoy! Magsalita ka nga."] Sigaw ko.
["Ikaw talagang Kit ka, ang gulo mo huh! Kanina pinatahimik mo ako tapos ngayon pagsasalitain mo ako. Yung totoo?"] Buset! Namimilosopo pa 'tong torpeng 'to.
["Bwisit ka kasi e! Deretsohin mo na ako! Anong sasabihin mo? Pinag hihigh blood mo yung gwapo eh."] Tsk. Totoo namang mas gwapo ako kay Kevin. Ma-appeal lang siya, ako talaga yung totoong gwapo.
["Punta ka dito sa bahay. May sasabihin ako sayo."]
["Putcha ka!"] Binato ko pa yung unan sa sobrang bwisit ko. ["Ang mga gwapong katulad ko, hindi inuutusan ng mga panget na katulad mo."] Bwisit talaga. Umagang umaga pinapapunta ako sa bahay nung ugok na yun.
["Mas gwapo ako sayo! Saka, ayaw mo yon? Makikita mo si Ate Kat?"] Pang aasar niya. Pero nong narinig ko yung pangalan ni Kat, parang ginanahan akong pumunta sa bahay nila. Letse! Lakas talaga ng tama ni Kat sa akin.
["Ge, bye! Punta na ako."]
*ding..dong..
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Roman pour AdolescentsBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...