Lexi's POV
Still at Kevin's House
"Huhuhu!"
"Tumigil ka nga sa kakaiyak mo diyan! Nakakairita ka." Inis na sabi ni Kevin habang nagluluto siya.
"Eh nakakaiyak 'tong sibuyas na hinihiwa ko!"
"Sus, umiiyak ka diyan o dahil nakita mo kanina si Clark?" Seryosong sabi ni Kevin. Nakita ko si Grazz na sinamaan niya ng tingin si Kevin at binato niya sa ulo ni Kevin yung sibuyas na hinihiwa niya! "Araaaay!"
"Pinaalala mo pa!" Galit na sabi ni Grazz. "Huhuhu!" Nag patuloy sa paghihiwa si Grazz sa sibuyas. Alam ko namang si Clark ang iniiyakan niyan tapos dagdag pa yang sibuyas na hinihiwa niya. Ginawa pa ngang palusot ang sibuyas.
Tumigil sa pagluluto si Kevin at may kinuha saglit sa isang sulok. Pinapanood ko lang silang dalawa habang yung iba naman busy sa panonood ng movie dito sa sala. Syempre nasa sala din ako pero sa kanila ako nakatingin. Ang cute lang nila!
"Oh eto. Para di ka maluha." Sinuot ni Kevin yung helmet sa ulo ni Grazz. Omg, ang sweet!
"Salamat." Sabi ni Grazz. Tinapik pa ni Kevin yung ulo ni Grazz at bumalik na sa pagluluto.
"Tigil ka nga sa pag iyak diyan bruha! Nakita mo lang siya, umiyak ka agad. OA ah." Iritang sabi ni Kuya Kit.
"Eh kung ikaw kaya! Pag may iba si Ate Kat, tatawa ka ba?! Siyempre iiyak ka. Kagagahan lang pag nagpaparty ka pa." Natawa ako sa sinabi ni Grazz. Nako! Buking na si Kuya Kit.
"Woah! Totoo ba yun Kit?!" Pang aasar ni James.
Namula naman bigla si Kuya Kit. "H-hindi ah!" Defensive.
Buti na lang na sa kwarto si Ate Kat. Kun'di, pati siya nalaman niya. Close pa naman si Ate Kat at Kuya Kit ngayon.
"Sus, sa amin ka pa talaga mag tatago Kit. Huling huli ka na!" Pang aasar pa ni Nathan.
"Buking!" Dagdag pa ni Perry.
"Hindi nga!" Sigaw ni Kuya Kit at sinamaan ng tingin si Grazz.
"Joke lang yon!" Sigaw ni Grazz. "Huhuhu!" Hay nako, iyak nang iyak kahit di naman dahil sa sibuyas. Ang gago naman kasi ni Clark eh!
"Tumigil ka na sa pag iyak mo!" Sabay sabay naming sabi kay Grazz maliban kay Kevin, at Alex. Si Kevin, busy sa pagluluto. Si Alex talagang may galit kay Grazz. Si Lia naman, yung girlfriend ni Perry, close na din namin kaya sumasama na sa amin.
"Ate Grazz, kung mag mall na lang kaya tayo? Para sumaya ka din?" Pag aya ni Grace.
"Ayaw ko! Huhuhu! Wala ako sa mood saka nakakasawa doon!" Sabi ni Grazz. At nag pout naman si Grace.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...