Grazziana's POV
After 2 months...
College na ako saka ako bumalik sa AU. Ang bilis ng mga panahon. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami ganon ka-okay ng mga kaibigan ko. Madalang lang kami magkausap. Minsan iwas pa. Hindi kami nagtetext-an. Sa group chat namin sa facebook, inalis din nila ako. Tatanggapin ko yung mga sakit. Tama lang sa akin 'to dahil iniwan ko sila. Feeling ko, wala akong kwentang kaibigan para pagkatiwalaan sila. Hay, ewan ko ba sa sarili ko. Puros sarili ko ang iniisip ko.
*tok..tok..tok..*
"Pasok."
"Ready ka na ba anak?" Tanong ni Mommy.
"Bilisan mo Grazz, ako na ang maghahatid sa inyo ni Grace." Sabi ni Kuya.
"Ate, excited na ako na makakasama ka ulit namin sa AU." Sabi naman ni Grace.
"Opo ma. Sige kuya, wait na lang. Grace, babalik ako sa AU para maging okay ang lahat." Sabi ko.
"O sha, alis na kayo. Ma-lalate pa kayo sa unang klase niyo." Sabi ni Mommy at pinagtataboy kami.
Humarap muna ako sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. Hindi na ako yung nerd na tulad ng dati. Wala na akong salamin at naka-contact lens na ako. Yung dati kong buhok na kulot at sabog, ngayon ay unat na. Tapos yung pananamit ko noon maluwag na uniform at mahabang palda ang suot ko na halos maabot na nga ng palda ko yung sahig. Ngayon, fitted na yung uniform ko at lagpas ng kaunti ng palda ko yung tuhod ko.
"Tara na ate."Tawag sa akin ni Grace.
@Asthon University
"Sige na, baba na kayo. Good luck sa first day niyo ha? Next week na yung flight ko papuntang America. Bye!" Bastos. Hindi man lang kami pinagsalita at humarurot na sa pagtakbo yung kotse niya.
"Sige ate. Hanapin ko na yung section ko ha? Una na ako! Bye!" Paalam ni Grace at tumango lang ako.
"So, hi ulit Ashton University." Bulong ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa bulletin board. Doon kasi naka post yung mga section namin eh. Madaming tao kaya no choice, makikipag siksikan ako sa kanila. Mahirap na baka first day ng klase, may deduction agad ako.
"Alis! Titignan ko yung section ko." Sigaw no'ng lalaki sa likod. Hindi ko na nilingon dahil busy ako kakahanap ng section ko. Baka ay ma-late pa ako.
"Sir, nauna po ako dito." Takot na takot na sabi ng isang estudyante.
Asan na ba yung section ko?! Hindi pa ba ako enrolled?!
"Gusto mo ng sapak?!" Dinig kong pananakot no'ng lalaki.
"H-hindi na po. Sige po, daan na po kayo."
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Ficção AdolescenteBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...