Grazziana's POV
Nagulat ako sa sinabi nila. Kami? Kaming dalawa ni Kevz ang maiiwan dito? Nakaramdam na naman ako ng kaba. Ba't ba ako kinakabahan?
Napansin kong tahimik lang kami at walang nagsasalita. Ang awkward naman ne'to. Lintek kasi sila. Iniwan pa kami dito. Magdradrama na naman kami dito eh.
"K-kamusta?" Panimula niya. Buti naman at siya ang nauna.
"Okay lang. Ikaw?" Nakayuko kong sabi sa kaniya.
Nahihiya ako. Kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit gan'to nararamdaman ko. Ano 'to? Anong nangyayari sa akin. Takte! Best friend ko lang siya!
"Namromroblema." Sagot niya.
Tumingin ako sa kaniya. "Bakit naman?" Tanong ko.
"Sayo."
Nag pout ako. "Lagi naman ako yung problema mo eh." Yumuko ako. Nagulat ako ng pitikin ni Kevin yung nguso ko pero mahina lang. Aba'y ang bastos. "Aray!"
"Wag ka nang mag popout."
"Wala namang lalaki dito ah!" Parang bata kong sabi sa kaniya. Gano'n si Kevin, ayaw niya ako magpout pag may mga lalaki, ewan ko ba sa bakulaw na 'to!
"Anong tawag mo sa akin? Bading?"
"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan."
"Wag kang mag popout, mamaya mahalikan kita diyan." Pagbabanta niya na ikinamula ng mga pisngi ko. Ano ba'ng sinasabi niya?!
Aish! Ano ba 'to? Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko. Malamang, kanina ka pa kinakabahan, self.
Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya. "Isusumbong kita kay Kuya!"
"E'to naman, joke lang." Bawi niya.
"Buti naman." Napangisi ako.
"Ikaw na lang lagi ang problema ko." Nakayuko niyang sabi.
"Bakit ako na naman?!" Hindi na ako nag pout baka naman kasi, pitikin niya ulit. Basta, nakakalungkot lang na ako na naman yung problema niya. "E'di sana hindi na ako bumalik dito para wala ka ng problema. E'di sana hindi na ako nag pakita sayo." Sabi ko.
"Baliw. Mali ka ng iniisip. Namromroblema ako kung paano tayo magkakabati. Namromroblema ako kung paano ako babawi sayo no'ng mga panahon na pinabayaan kita. Alam mo bang kahit sabihin mong madali lang gawin yung kung hindi pa naman tayo okay. Nag patulong ako kila Nathan para maka-usap ka. At eto na nga yon." Sabi niya.
"Hindi mo naman kailangang problemahin yon. Dahil alam natin na kahit anong mangyari, magkakabati at magkakabati tayo. Hindi mo din kailangan na bumawi sa akin. Hindi na importante yon. Ang importante, mag kaibigan pa din tayo." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
