Chapter 22

43 6 0
                                    

Grace Kate's POV

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa harap ni Krystal. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Crush ko lang naman siya, pero bakit ganito ako?


"Grace, tahan na. Ikaw kasi kinukulit mo ako. Sorry."


"Hindi mo kailangan mag sorry sa akin. Alam mo Krystal? Mas natulungan mo pa ako. Kasi kapag hindi mo sinabi sa akin, baka habang buhay na akong nagpapakatanga kay Aaron. Maraming salamat, Krystal." Hinimas niya yung likod ko at pinapatahan niya ako.


"Grace, hindi kaya mahal mo na si Aaron?" Bigla naman akong napatigil sa pagiyak at pinunasan ko ang mga luha ko. Nagulat lang kasi ako sa tanong niya. Ang simple ng tanong niya. At simple lang din ang sagot.


Pero bakit para sa akin, eto na yung pinakamahirap na tanong at mahirap sagutin?


Tinignan ko lang si Krystal dahil hindi ko alam yung isasagot ko. "Kinakabahan ka ba kapag kausap mo siya?" Tanong niya.


"Noong una. Pero nung tumagal, hindi na."


"Para bang may dumadaloy na kuryente kapag hinahawakan ka niya?" Tanong ulit niya.


"Syempre!"


"Hindi ka ba mapakali kapag wala siya? O hindi ka ba komportable kapag hindi mo siya nakikita?"


"Oo."


"Bumibilis ba ang tibok ng puso mo kapag kasama mo siya o kapag pinapakilig ka niya?" Sobra!


"Oo."


"And last, nagseselos ka ba kapag may kasama siyang ibang babae? Kay Lindsay? Pinagseselosan mo ba siya?" Siguro ito naman na yung huling tanong niya eh, ano? Sabi niya kasi last na eh. Kanina pa tanong nang tanong. Pero nag seselos ba ako? Oo nman diba? Masakit kaya yung sinabi ni Krystal kanina.


"Oo." Sige, oo lang ako ng oo. Totoo naman eh.


"Tumpak! Mahal mo na nga talaga siya." Mahal? Mahal ko na siya?


"Siguro nga. Pero may mahal siyang iba."


"Hindi imposibleng magkagusto sayo si Aaron. Alam ko ang mga tipo na babae ni Aaron. Kaya lang naman brineak ni Aaron si Lindsay kasi nagbago si Lindsay simula nung namatay yung mommy niya. Naging mahina si Lindsay kahit nandyan si Aaron. Kilala ko si Aaron. Ako kaya yung pinsan niya."


H-huh?! Pinsan ni Krystal si Aaron?


──●◎●──


Grazziana's POV

After naming maghiwalay ni Grace sa harap ng school, pumunta agad ako sa classroom. Pinag uusapan nila yung about sa election para sa Homeroom Officer. One month na kasi ang nakalipas hindi pa rin kami nakakapag elect.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon