Lexi's POV
"Hala nagugutom ako!" Reklamo ni Grazz pagkaahon na pagkaahon namin sa dagat.
"Pwede naman ako." Sambit ni Kevin na ikinatawa naming lahat.
"Ang manyak mo, Kevin!" Inis na sabi ni Grazz.
"Wow! Kung makamanyak ka bessy, parang hindi namin kayo nakitang naghalikan ni Kevin kanina ha?!" Pang aasar ko kaya lalo kaming umingay.
Namula ang mga pisngi ni Grazz at si Kevin naman humalagakpak sa kakatawa. "O-oy! Wag namang ganyan!" Pagsuway ni Grazz sa amin at tinakpan niya ng dalawang palad niya ang kaniyang mukha.
Para siyang bata!
Inilagay naman ni Kevin ang kaniyang braso sa bewang ni Grazz. "Wag niyo kaming ginaganyan. First time namin yan."
Napansin kong wala si Alex. "Uy, asan si Alex?" Tanong ko.
"Ah, andon. Nag iipon na naman ng mga shells." Sagot naman ni Nathan. "Mahilig talagang mag ipon ng mga shells yon. Noong unang pagkikita nga namin nakita ko siyang nag iipon ng gano'n."
Natawa kami sa sinabi ni Nathan. "Eh ano namang gagawin ni Alex don?" Tanong ni Ate Kat.
"May mga jar siya sa bahay nila, Ate. Doon niya nilalagay tapos dinidisplay niya sa kwarto niya."
"Ang galing naman."
Tumingin ng oras si Kuya Kit. "Oh, alas kwatro na. Halina't mag ayos na tayo." Pag aya niya.
"Wait lang kuya, kumakain pa ako ng bangus." Sambit ni Grazz habang lumalamon pa.
"Tubig, Grazz." Binigyan naman ni Clark si Grazz ng tubig.
"Salamat."
"Ako na mag aayos ng gamit mo ha?" Tanong ni Kevin kay Grazz.
"Opo."
Nag umpisa na kaming mag ayos at linisin ang area namin.
"Wow wow wow! Kaninong brief 'to?" Iwinagayway ni Kuya Kit ang kulay gray na brief.
"Putangina kanino yan?" Tanong ni Kevin saka kami humagalpak sa tawa lahat.
"Hoy James?! Baka sayo yan? Ikinakahiya kita kung ganoon!" Sigaw ni Ayesha kay James.
"Hoy! Hindi ah! Kumpleto na yung brief ko, nailagay ko na sa bag!" Sambit naman ni James.
"Hoy kanino din ito? May isa pang brief dito!" Sigaw naman ni Kevin at iwinagayway din ang kulay pulang brief.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Fiksi RemajaBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
