Clark Wattson?!
"B-bakit ka a-andito?" Nauutal kong tanong sa kanya. Bakit nga ba siya andito?
"Alam ko, may problema ka. Gusto kitang damayan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"Halata kaya sa itsura mo." Sagot niya.
Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya. "Ang ganda pala ng boses mo at ang galing mo din mag gitara." Puri niya sa akin. Ang bait niya talaga. Malayong malayo sa ugali ni Kevin.
"Salamat." Ngumiti ako sa kanya.
"Ano pala ang problema mo?" Tanong niya.
"Ano kasi, yung VeNicLyn na grupo. Nakita ko kanina." Baka sa mukha ni Clark ang pagtataka.
"Sino ang mga 'yon?" Nagtatakang tanong ni Clark.
"Sina Veronica, Nicole at Jhellyn." Sagot ko habang nakayuko.
"Ha?! Anong ginawa nila sayo?!" Tanong niya ulit na may galit sa mukha niya at may halong pag aalala.
"Pinagsalitaan nila ako ng masama at sinampal ako ni Nicole. Buti na lang dumating si Kevin doon. Pinigilan niya sila VeNicLyn." Kwento ko.
"Gago talaga 'yang Kevin na 'yan! Ginusto naman niya na ibully ka naman ng mga 'yon. Ipinasabi niya pa sa lahat na ibully ka. Ngayong may mga pinagtritripan na sila, tapos ngayon ipagtatanggol ka niya?! Gago talaga!" Bigla siyang tumayo.
Hinawakan ko ang braso ni Clark para pigilan siya. "Clark, hayaan mo na si Kevin."
Eto na naman! Hinawakan niya yung mukha ko. Para akong nakukuryente! "Buti na lang at andito ka, Grazz. Kung wala, baka hindi ako makapagpigil." Sabi niya ng mahinahon na. Kung ano ano na ang iniisip ko, pa-fall ba 'to? Charot.
"Clark, thank you." Pagpapasalamat ko.
"Basta ikaw. Importante ka sa akin." Kumunot ang noo ko, paano naman ako naging importante sa kanya. Kasabay no'n ang sobrang pagkapula ng mga pisngi ko kaya tinago ko ang mukha ko.
"Sige na. Pasok na tayo sa classroom. Time na eh." Sagot ko sa kanya. Wala na akong masabi. Ayun na lang ang sinabi ko para hindi niya ako makita na namumula na parang kamatis dito.
Tumango na lang siya at pumasok na kaming magkasama ni Clark. Ang daming nakatingin sa amin at nagbubulangan. Nang nasa classroom na kami, nagulat ako. Bakit andito yung mga bitches?! Nanlaki yung mata ko sa kanila at ngumisi naman sila maliban kay Jhellyn. Umiwas ng tingin sa akin si Jhellyn.
Nandoon na din ang apat. Si Kuya nasa ibang room kasi hindi naman namin siya kaklase. Umupo lang kami ni Clark sa upuan namin nang narinig kong nagparinig ang tatlo sa amin.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...