Chapter 53

27 5 0
                                    

Grazziana's POV

"Grazz. Gising. Napasarap ata tulog mo. Tapos na ang field trip kaya may pasok tayo ngayon." Sabi ni Kuya.


Hay. Ang bilis ng oras. Tapos na agad yung field trip kaya may pasok na ulit.


"Bababa na ako." Walang gana kong sagot. Paano ba naman kasi, kakatapos ng field trip. Pagod na pagod ka tapos kinaumagahan papasok ka. Takte!


Ginawa ko na ang lahat ng daily routine ko lumabas na ako sa bahay. Sabay sabay kami nila Kuya at Grace para pumunta sa school. Walang asaran moments at tahimik kami kasi pareparehas kaming pagod.


Nakarating na kami sa school. "Grazz, tatambay daw si mommy dito sa waiting area." Sabi ni Kuya Kit.


"Bakit daw?" Tanong ko.


"Ewan. Nabanggit lang sa akin ni Mommy kanina." Tumango na lang ako.


Papunta na ako ng classroom nang makita kong mag kausap yung teacher namin at si Alex. Magkamag anak nga sila.


Pumunta ako doon sa puno para magtago at marinig yung pinag uusapan nila. Hindi sa chismosa ako ha? Curious lang talaga ako.


"Siguraduhin mong hinding hindi ako malalagpasan ni Grazz sa ranking ha?" Dinig kong boses ni Alex. Grabe, ang sama talaga niya! Nang dahil lang sa ranking?!


"Okay, sige Alex. Pero dagdagan mo sweldo ko."


"Walang problema doon."


Ang sama talaga nilang dalawa! Nagawa pa talaga nilang mandaya.


Bumalik na ako sa classroom nang walang gana. Hindi ko na lang pinansin yung mga kaklase ko kasi sobrang antok ako at pagod. Umupo ako sa upuan ko at kinuha ko yung bracelet na binigay sa akin nung guy best friend ko no'ng mga bata pa kami. Gusto ko na siyang mahanap kaso hindi ko alam kung paano.


Nakatitig lang ako dun sa bracelet na yon. Ano kayang mangyayari kung nahanap ko na siya? Maalala pa rin ba kaya niya ako?


*flashback*

Iyak lang ako ng iyak kasi aalis na kami papuntang America iiwan ko na siya. Iiwan ko na si Bespren.


"Anak. Pwede bang wag mo ng sabihin kay Bespren mo na aalis na tayo? Baka kasi umiyak pa yon eh." Sabi saakin ni mommy habang nag aayos ng gamit.


"Mommy! Pupuntahan ko si Bespren! Malulungkot siya kapag nalaman niyang aalis na ako."


"Ayon na nga Grazz ee. Malulungkot siya. Gusto mo bang malungkot siya kapag sinabi mo yon?"


"Pero mas malulungkot po siya kapag hindi ko sinabi sa kaniya na aalis na tayo. Magagalit din po siya sa akin."


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon