Chapter 47

31 5 0
                                    

Lexi's POV

Halatang naiiyak na si Grazz sa poster na yon. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya.


"H-hindi. Okay lang." Ngumiti siya pero halatang pilit lang.


"Hoy! Magsitigil nga kayo! Sinong naglagay ng mga posters dito?!" Sigaw nong Kevin ba yon?Doon sa harap ng bulletin board. "Sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa ng kalokohang ito, maghanda handa na kayo dahil sisiguraduhin kong mapapatalsik kayo sa AU" Nakakatakot din naman pala 'tong si Kevin. Kwento ni Grazz, anak daw siya ng may ari ng school eh.


Nagulat na lang ako sa ginawa ni Kevin. Siguro sobrang close sila ni Grazz kasi napakaprotective niya sa kaniya. Pero sa mga kwento ni Grazz sa akin, naiinis daw siya kay Kevin kasi lagi daw niyang binubully. Aba! Malay ko riyan kay Grazz. Ang gulo niya.


"Grazz! Okay ka lang?" Tanong nung manliligaw ni Grazz. Si Clark? Yeah! Si Clark.


Tumango lang si Grazz. "Grazz, uwi ka na." Sabi ni Kuya Kit.


Grazziana's POV

Hay! Sino naman kaya ang may gawa non? Siguro sila Nicole na naman. Grabe! Ang sasama talaga nila!


Pumasok na kami ni Lexi sa classroom namin kasi may pipiliin daw para sa quiz bee. Kailangan kong mag focus doon. Dapat hindi ko muna iniisip yung pesteng fake news na 'yon!


Nag umpisa na yung pamimili. At syempre madadali lang yung mga tanong don. Sana makuha ako. Gusto ko kasing mailaban ako sa ibang school. Dumating na yung teacher namin para iannounce kung sino sino yung mga napili para mailaban sa ibang school.


"Clark, Jhellyn and Kevin. Congratulations!" Nagpaalam na yung teacher namin at umalis na.


Yung tatlong impakta, sina Nicole, Veronica at Jhellyn tumingin sa akin. Pero sila Veronica at Nicole lang ang tumawa. Lahat din ng mga kaklase ko ay tumingin sa akin. Nagtataka kung bakit hindi ako nakasama dahil quiz bee lang naman pero hindi ako nakasali. Nakakahiya talaga! 


"Okay lang yan Grazz. Bawi ka na lang next time." Sabi ni Lexi.


"Okay lang Grazz." Hinawakan ni Clark yung balikat ko.


Umalis ako sa classroom at pumunta sa CR. Nag ayos lang ako saglit ng sarili ko.


Nakita kong dumating si Lexi. "Bessy, okay ka lang ba?"


"Okay lang ako. Tara, uwi na kayo?" Tumango naman siya.


Pagkalabas namin ng CR, nakaabang sina Clark at Kevin. Ano naman kaya ang problema ng dalawang 'to?


"Saan ka pupunta Grazz?" Tanong ni Clark.


"Uuwi na." Tipid kong sagot.


"Hoy! Bruha liit! Alam ko kung ano'ng problema mo. Kaya mag iice cream tayo para mawala yang sama ng loob mo." Napangiti ako sa sinabi ni Kevin at hinila niya ako papalabas ng campus. Siyempre kasama namin si Clark at Lexi.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon