Ayesha's POV
"Hi guys!" Sigaw ko habang papalapit sa table nila.
Yung mga mukha nila? Naka-nganga, nanlaki yung mata, at naka-kunot yung noo. Ano'ng problema nila?
Siguro dahil sa nag-iba yung mood ko?
Hindi kasi ako gaya ng mga babaeng mahihina. Hindi ako basta-basta na iiyak na lang sa gilid.
"Sino yang kasama mo?" Tanong ni Lia.
"Boyfriend mo?" Turo ni impaktang Janna kay.. Ewan, hindi ko pa pala natatanong yung pangalan niya. Inirapan ako ni Janna. Tss. Kapal ng mukha.
"Pinagpalit agad ako." I heard James whispered. Tama, ayan ang isipin mo!
"Uy, Jake! Kamusta na?" Kilala ni Grazz si -- Jake?
"Uy, Grazz." Niyakap ni Jake si Grazz.
"Hep hep hep hep hep! Bro, don't touch her." Pinaghiwalay ni Kevin si Grazz at Jake. Psh! Grabe talaga mag-selos 'tong si Kevin. Yang paselos selos ni Kevin, minsan talaga natatawa na lang kami eh.
"Boyfriend mo, Grazz?" Tanong ni Jake kay Grazz at tinuro si Kevin.
"Hin-" Hindi na na-tuloy ni Grazz yung sasabihin niya dahil inunahan siya ni Kevin.
"Soon to be boyfriend, bro. Kaya wag kang paporma porma sa kaniya." Nakakatakot na sabi ni Kevin kay Jake.
"Don't worry. She's just my friend." Tinapik ni Jake si Kevin.
Sinuntok ni Grazz si Kevin sa braso. "Hoy, ano ba?!" Pag iiwas ni Kevin sa mga suntok ni Grazz.
"Wag ka naman manakot ng kaibigan ko Kevin!" Nag pout si Grazz. Ang cute talagang Grazz namin!
"Habang maaga pa, dapat matakot na yan kung ayaw niyang mamatay ng maaga. Ouch!" Sinuntok ulit ni Grazz si Kevz sa braso.
"Manahimik ka na pwede?"
"Oo na. Tss."
"Uy, tara mag perform tayo sa stage. Sinong gustong mauna kumanta?" Tanong ni Natnat.
"Me!" Tinaas ko yung kamay ko.
"Sige, sunod ka na riyan sa bandang yan." Sambit ni Nathan.
May gusto lang kasi akong kantahin tungkol sa break up namin ni James. Tss. Dapat unahan ko na siyang maki-pag break.
Oo, alam kong madali lang para sa akin na mag desisyon pero mahirap gawin 'to lalo na't mahal ko pa si James. Ginagawa ko lang naman 'to para matigil na yung sakit na nararamdaman ko at mag saya din ako.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
JugendliteraturBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...