PROLOGUE

570 24 2
                                        

Si Kevin Sarellano ay tinaguriang bully sa buong unibersidad. Wala siyang ibang ginawa kun'di mang asar, mang bwisit, manlait, at manakit ng kapwa.


"Hoy, Kevin! Pinagdiskitahan yung tambayan natin! Ang gagago talaga!" Ginulo ni Kit ang buhok niya nang makarating sila ni James at Clark rito sa bahay.


"Sabi ko na nga ba, eh!" Sigaw ko dahil sa inis. Mga gagong taga-Westwood na yon talaga! Mga wala nang ibang ginawa kun'di pagtripan kami! Malaman ko lang talaga kung sino-sino ang mga yon, humanda sila! Buhay ko ang pagtritripan nila, tangina!


"Ano ba kasing ginawa mo? Sino ba yong pinagtripan mo? Baka naman may grupo yon kaya gano'n na lang bawi sa atin." Tanong ni Clark.


"Ayan tuloy, wala na tayong tambayan. Hay!" Hiniga ni Nathan sa sofa namin.


"Teka, malalaman ko rin kung sino ang mga yon. Mag uutos na lang ako. Wala kayong gagawin." Kinuha ko ang cellphone ko saka ako nagtawag ng mga ibang kakilala ko sa Ashton.


Putrages Buddies

Kevin Ervan Sarellano: Hoy, sira ang tambayan namin, may ipapagawa ako sa inyo.


Aaron Carter: Ano yon, boss?


Kevin Ervan Sarellano: Alamin niyo kung sino yung sumira sa tambayan namin, babayaran ko kayo.


Marvin Vilano: Sige boss, bantayan namin yung tambayan niyo baka sakaling may bumalik do'n.


Kevin Ervan Sarellano: Kung may nakita kayo, bugbugin niyo na.


Matapos ang kalahating araw, hindi nagtagal ay nagkaroon agad ng balita sa inutos ko. ["May pumasok na sa tambayan niyo, boss."] Sambit ni Marvin.


["Siguraduhin niyong huliin niyo yan saka niyo dalhin sa likod ng Ashton University. Doon niyo na puntiryahin."] Binaba ko ang tawag.


Hindi nagtagal, maya't maya ay tumawag ulit si Marvin. ["Boss."]


["Oh, ano? Sino sila? Saan nag-aaral?] Deretsong tanong ko.


["Halika na sa Ashton, boss.] Hindi na hinintay ni Marvin ang sagot ko saka niya agad pinatay ang tawag ko. Bastos talaga!


Wala akong nagawa at sumunod na lang ako. Pinarke ko ang kotse ko saka ako pumunta sa likod ng Ashton. Mag-isa ko lang na pumunta dahil kaya ko naman.


"Na saan?" Tanong ko dahil walang sumasagot sa kanila.


"Babae, boss." Sagot ni Aaron. Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.


Nakita ko ang babae na naka-upo sa upuan, nakatali at may duct tape sa labi. Nag-iingay kahit hindi siya makapag salita.


"Siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nag kibit balikat lang sila. Tinanggal ko ang duct tape sa babae. "Hoy, saan ka nag aaral, babae?" Tanong ko.


Tinitigan niya lang ako nang masama. Ba't ba ganito ang itsura ng babaeng 'to? Ang laki ng salamin at magulo yung buhok? Ang liit pang babae! " Sigurado ba kayong ito yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pinulot niyo lang ata sa basurahan 'to para may maipakita sa akin." Inis na sambit ko.


"Mukha ba akong galing basura ha?!" Inis na tanong sa akin no'ng babae.


"Oo." Diin ko saka siya inirapan.


Napansin kong tumatawag si Kit kaya naman lumayo ako sa kanila para sagutin ito. ["Asan ka? Andito kami sa bahay niyo. Kilala na namin kung sino. Ang grupong Dead Lock."]


"Hoy, ano'ng oras na may mga bullies pa rin rito?! Malilintikan talaga kayo!" Narinig ko ang boses ng security guard habang pa palapit sa amin. Buti na lang at matanda siya, mas mahaba ang oras namin makaalis dito.


["O'sige, teka pauwi na ako."] Agad kong binaba ang tawag saka ko binalikan ang babae.


"Pakawalan niyo na yang babaeng yan, hindi siya ang hinahanap namin. Bilisan niyo!" Utos ko sa kanila.


Meet Grazziana Rodriguez, ang palaban na nerd. Palaban na nerd? Nakakatawa, hindi ba?


"Urgh! Nakakainis!" Napa-padyak ako sa inis dahil sa nangyari sa akin. Akala ko naman ihahatid nila ako sa bahay, talagang pinasakay lang nila ako sa kotse saka nila ako binaba rito sa gate!


Tumingin ako sa paligid. "Ashton University." Sambit ko nang mabasa ko ang nakapaskil sa building. Nasa Ashton University pala ako! So mga taga-Ashtons ang kumuha sa akin kanina?!


Panigurado, mga bully ng Ashtons ang mga yon!


Napabuntong hininga ako nang mag umpisa akong maglakad, naghahanap lang naman ang ng mga magazines or newspaper para sa project ko, napadpad pa ako rito! Sayang, ang daming mga nakatambak doon sa warehouse kanina, bigla ba naman akong kinuha?! Mga hayop! Mabalikan nga yon bukas.


Tumingin ulit ako sa building ng Ashton University.


"Once na makapag-aral ako sa dream school ko na 'to, hahanapin ko kayong mga bullies na gumawa sa'kin nang ganito!" Sigaw ko habang dinuro duro ang eskwelahang 'yon.


Hindi bale, isang taon na lang. Babalik ako!

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon