Grazziana's POV
Kinabukasan..
Minulat ko ang mga mata ko dahil sa init at sa ingay. Nakita kong wala na si Lexi at Ayesha sa loob ng tent. Baka nga nag aayos na sila. Binuksan ko ang tent para makalabas ako at inilibot ko ang paningin ko. Dumami ang tao ngayon dito. Hindi tulad kagabi, mangilan ngilan lang.
"Grazz! Tara kain! Ikaw na yong huling nagising." Tawag ni Lia sa akin.
"Tara Grazz, mag swimming tayo mamaya." Pag aaya naman ni Ayesha.
"Sige sige, mamaya kapag tapos kong kumain." Tumango naman siya.
Lumapit ako kay Lia habang kumakain din siyang mag isa sa table. "Asan si Kevin?" Tanong ko.
"Ah, kasama niya si Nathan. Bumili sila ng bangus." Sumubo siya ng pakwan.
Hindi sa kalayuan, nakita ko na si Kevin at Nathan naglalakad papunta sa amin. "Oh, lutuin na itong bangus." Paglapag ni Nathan sa mga pinamiling bangus. "Kit, lutuin mo."
Tumingin ako kay Kevin at umiwas naman siya ng tingin sa akin. Alam kong galit pa siya sa akin dahil sa nangyari kagabi.
Habang paalis si Kevin, hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya. "Kevin? Pwede ba tayong mag usap?" Nilingon niya ako na blanko ang ekspresyon niya. "I'm sorry." Unti-unti ko siyang niyakap.
Ilang segundo siyang hindi umimik at niyakap niya din ako. "Ayos lang."
"Hindi dapat ako nagpadala sa kung ano lang ang nakita kong pagkakamali mo kagabi, Kev. Sorry, dapat pinakinggan kita." Niyakap ko siya nang mahigpit.
Hinalikan niya ang noo ko. "I'm just afraid." Inangat ko ang ulo ko. "Baka bumalik ka kay Clark, kasi.."
Hindi ko na siya tinapos na magsalita. "No. Na sayo na ako. Ikaw ang kumuha sa akin. Ikaw ang tumulong sa akin, bat pa ako babalik sa kaniya kung andito ka lang naman."
Nahalata ko sa mukha ni Kevin ang pagkapanatag. "Thank you." Saka niya ako nginitian.
"Uy, Clark. Kumain muna kayo." Pag aaya ni Lia kanila Clark, Kuya, Alex, at sa iba pang kakaahon lang.
Tumingin si Clark sa aming dalawa ni Kevin na magkayakap at agad niya ding inalis ang tingin sa amin nong nakita niyang tumingin ako sa kaniya.
"Nice, may buko." Kumuha si James ng isang buko para buksan iyon para sa kaniya.
"Pahingi nga ako niyan, James." Turo ni Alex sa hawak niyang buko.
"Magbukas ka na lang ng para sa lahat." Utos naman ni Kuya kaya tumango lang siya.
"Guys! Mag Cebu naman tayo sa susunod." Sigaw ni Alex.
"Oo nga! Baka maudlot na naman eh." Sambit ni Ayesha.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Roman pour AdolescentsBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...