Chapter 66

50 3 0
                                        

Kevin's POV

Binuksan naman agad ni Tita Kathy yung gate. "O Kevin, pasok ka."


"Sige, salamat po. Bibisitahin ko lang po si Grazz."


"Sige, nasa kwarto niya siya."


Pumunta ako sa kwarto ni Grazz. Nagulat ako nang umiiyak si Grazz.


"Grazz!" Agad ko siyang niyakap.


Tumingin siya sa akin at napakunot yung noo niya. "Grazz, okay ka lang ba? May problema ba? Sabihin mo sa akin." Nag aalalang tanong ko habang pinupunasan yung luha niya.


Nagulat ako ng bigla-bigla na lang siyang tumawa. "Kevin, nakaka-iyak kasi yung k-drama na pinapanood ko. I don't have a problem or what, ano ka ba!" Napailing na lang ako.


"Tsk." Napakamot ako sa batok ko. "Wag ka kasing iiyak. Natatakot ako eh." Sambit ko.


"Opo na. E'to na o, happy na ako." Ang ganda niya talaga kapag naka-ngiti siya. Pero pag umiiyak siya, ewan ko ba, nasasaktan ako.


Niyakap ko ng pagka-higpit higpit si Grazz. "Wag ka nang iiyak ha? Ayaw na ayaw ko. I love you manhid." Bulong ko sa kaniya.


Naramdaman kong ngumisi siya. "I love you too torpe."


"Kevin! Grazz. Nandito si Nathan sa baba." Tawag ni Tita sa amin.


Bakit andito naman yung mokong na yon aber?


Bumaba kami ni Grazz para salububgin si Natnat sa baba. Nakita namin si Natnat na.. ang panget.


Joke lang. Hindi naman sa totally panget. Pumangit lang. Seriously, ang laki ng eye bags niya, ang gulo ng buhok niya at mukhang wala siya sa sarili.


"Nathan! Ano'ng nangyari sayo?!" Gulat na tanong ni Grazz.


"Grazz Kevin, tatanungin ko lang sana kung tama ba ang naging desisyon ko." Nakayuko niyang sabi sa amin.


Napakunot yung noo namin ni Grazz. "Anong desisyon?" Tanong ko.


"Makikipag-break na ako kay Alex."


Parehas kami ni Grazz na nanlaki ang mata sa sinabi ni Nathan. Hindi gawain ni Nathan ang makipaghiwalay nang basta basta. Pero sa tingin ko, mukhang sinagad na ni Alex ang pasensya ni Nathan.


"What?! Are you breaking up with her? Ang tagal na ng relasyon niyo tapos makikipag-break ka?!" Sigaw ni Grazz. Ang swerte ko kay Grazz, kahit hindi sila naging okay ni Alex, hindi pa rin siya naging one-sided lang dahil sa kaibigan namin si Nathan at kaaway niya si Alex. Napangiti ako.


"Bakit ka naman makikipag-break?" Tanong ko.


"Nagkaka-malabuan na kasi kami. Hindi pa din siya maka-get over doon sa mga nangyari noon. Nasisiraan na ata ng ulo yung girlfriend ko. Tapos ngayon, lagi niya akong pinag dududahan. May kasama lang akong kaklase kong babae, mag aaway na kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ginulo niya yung buhok niya. Tsk, kawawang Natnat.


"Eh ang tagal na noong pinagdududahan tayo ni Alex ha? Hanggang ngayon ba naman?! Oy, si Kevin na ang mahal ko!" Napangiti ako sa sinabi ni Grazz.


"Kaya nga. Napapagod na din ako sa kaniya. Kahit mahal ko siya kailangan kong makipag-break sa kaniya. Feeling ko kasi, lahat ng ginagawa ko mali para sa kaniya. Parang hindi ako deserving na maging boyfriend para sa kaniya." Naiiyak na sabi ni Nathan.


"Mali ka Nathan. Wala kang ibang ginawa kun'di mahalin si Alex. Hindi ka nga nagkulang sa kaniya." Sambit ko.


"Pero napapagod na ako sa kaniya eh!"


"Mahal mo ba si Alex o hindi?" Seryosong tanong ni Grazz.


"Sobra Grazz. Kaya masakit sa akin ang makipagbreak sa kaniya. Gusto ko lang naman, tumino siya eh. After nito, babalikan ko siya."


"Kung ano ang desisyon mo at sa tingin mo tama, ayon ang sundin mo." Sambit ko at ngumiti sa kaniya.


Nathan's POV

Nag-dadrive ako papunta sa bahay nila Alex. Ewan ko ba kung tama 'tong gagawin ko. Kailangan ko din kasi ng space. Napapagod na ako sa kaniya. Kailangan niya din ma-realize na mali ang mga pinag-gagagawa niya.


Ngayon, nandito na ako sa bahay nila. Hindi ko alam kung bubuksan niya 'tong pinto dahil ilang linggo niya na akong hindi kinakausap at iniiwasan.


Pagkabukas ng pinto, si Alex agad ang nakita ko. Nanlaki yung mata niya ng makita ako. Isasarado niya sana yung pinto pero pinigilan ko siya.


"Ano ba Nathan?! Umalis ka na!"


"Oo, aalis din ako. May sasabihin lang ako. Hindi na ako papasok sa bahay niyo. May sasabihin lang talaga ako." Naiiyak kong sabi sa kaniya. Putcha! Ayaw kong umiyak!


"Ano bang sasabihin mo?! Deretsohin mo na ako!" Sigaw niya sa akin.


"I'm breaking up with you, Alexandria." Nakayuko kong sabi sa kaniya.


Ilang segundo din siyang natahimik. "B-bakit mo 'to ginagawa Nathan?" Umiiyak niyang sabi.


"Tutal, ayaw mo naman akong kausapin diba? Lagi mo akong iniiwasan. Kung ganoon din lang, mas magandang maghiwalay na lang tayo. Sa tingin ko, wala nang patutunguhan 'tong relasyon natin. Alex, kaya ako nakikipag break dahil hindi ko na kaya. Pagod na ako." Takte, hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Tsk! "Ayon lang ang sasabihin ko. Paalam na." Sambit ko at tumalikod na.


Naramdaman kong niyakap ako ni Alex sa likod ko ng dahilan na mapatigil ako. "Nathan, wag mo namang gawin 'to sa akin." Umiiyak na sabi niya. Putres, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. "Nathan, sorry na please."


Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sa akin. "Wag kang mag alala Alex, babalikan kita. Pero dapat i-promise mong magbabago ka na." Pagbitiw ko ng mga salitang yon, tumakbo na ako papalayo sa kaniya. Hindi ko na kaya ang sakit kapag nakikita ko siya.


Pagkabalik ko sa kotse ko, iyak lang ako nang iyak. Ang sakit sakit kasi binitiwan ko si Alex. Sana pagbalik ko sa kaniya, ako pa din ang mahal niya. Dahil hindi ko kakayanin kapag pinag-palit niya ako. Ginagawa ko naman 'to para sa aming dalawa.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon