Chapter 25

35 6 0
                                    

Grazziana's POV

Nagising ako ngayon sa silaw ng araw at sa sobrang init. Nagtataka ako, ang aga aga pa lang eh, bakit parang tanghali na. At himala, hindi ako ginising ni kuya ngayon. Pero teka, ano na yung mga sumunod na nangyari no'ng nawalan ako ng malaya?


Tamayo na ako at tinignan ko yung orasan ko.


10:30 am na? Sobrang late na ako!


May nakita akong papel sa gilid ng alarm clock ko. Walang kwentang alam clock na 'to. Di man lang ako ginising!


Binuksan ko yung papel.


Grazz,
         Wag ka na lang pumasok. Masama pakiramdam mo. Ginising kita kanina pero pinagalitan mo lang ako. Diyan ka na lang sa bahay. Mag pahinga ka na lang. Saka please, wag mo na sanang sabihin kay mommy at daddy yung nangyari kagabi. Pagagalitan lang ako ng mga yon. Pagaling ka. Labyu.

                                                                  - Kit Pogi


Inistretch ko ang katawan ko. Masakit parin yung katawan ko hanggang ngayon. At yung mga mata ko namumugto. Yung kamay ko mayroong tela. May sugat kasi yung kamay ko sa pagkakaalala ko.


Bumaba ako para kumain. "Nak, yung mga kapatid mo pumasok na. Hindi ka na pinapasok ng kuya mo kasi masama raw pakiramdam mo. May sakit ka ba anak? Ano ba talaga nangyari sa inyo kagabi?" Pag aalala ni mommy. Hinaplos haplos pa niya yung mukha ko para tignan niya kung may lagnat ako o wala.


"Ma, okay lang po kami kagabi. Masakit lang po katawan ko."


"Eh, napano yang pasa mo sa labi mo?" Tanong ni daddy.


"Ah, eh. Ahm. Kasi po.. Ano.. Ahm. Nakipagsapakan po ako." Ay shuta naman oo! Bakit ko sinabi yon?!


"Anak! Bakit naman?! Bakit hindi ka ba binabantayan ng kuya mo?!" Sigaw ni mommy. Wala na talaga akong maisagot, as in.


"Ma, hindi po sa gano'n. Ang totoo nga po, hindi niya ako maiwan iwan eh. Sa tabi lang po ako ni Kuya. Tapos may lalaking lumapit sa akin at sinapak ni Kuya. Tapos ayon, nasapak ako nung lalaki kaya sinapak ko din. Wag na po kayong mag alala. Okay lang naman po ako eh. Ang importante, ligtas kami at nakauwi po kami ng kompleto." Paliwanag ko.


"Hay! Salamat naman! Eh, napano yang kamay mo. Bakit ang daming sugat? May tela pa." Tanong ulit ni daddy.


"Ayon nga po. Nakipagsapakan ako hehe." Sagot ko.


Pumunta muna ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Humiga ako sa kama ko at pilit na matulog pero hindi ako makatulog.


Kaya inopen ko yung laptop ko para mag facebook. Salamat at nakapagbukas na din ako ng facebook ko matapos ang ilang linggo.


Meron akong 5 friend request, 3 messages, 25 notifications. Ngayon lang ako nagkaroon ng 5 friend requests. Dati, halos walang mag add sa akin eh. Tapos 3 messages? Dati naman, walang nag memessage sa akin.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon