Chapter 87

84 5 0
                                        

Clark's POV

"Kit! Nasa kila Jacob si Grazz!" Nang ngingitngit na sambit ni Kevin. Nakita ko sa kaniya ang pamumula ng mukha. Halata sa kaniya ang matinding galit.


"Putangina! Si Jacob?! Si Jacob ang may pakana ng lahat ng 'to?!" Sigaw ni Kit.


"Simula palang talaga wala akong tiwala sa gagong yon eh." Kahit ako ay lumalalim ang pag hinga ko.


"Halina! Bago pa tayo mawalan ng oras!" Sigaw ni Perry.


Wala pang limang minuto, narating na namin agad ang bahay nila Jacob. Hindi muna namin ibinalita kila Ate Kat dahil alam naming mag aalala sila. Hanggang ngayon ang alam nila ay hinahanap pa din namin si Grazz.


Sa labas ng bahay nila Jacob, nakita naming may limang lalaki ang nagbabantay.


Walang plano plano, agad naming sinugod ang mga yon. Halatadong mas malalaki ang mga katawan at may laman kami kaysa sa kanila.


Tig-iisa kami ng sinapak at kinaya naman naming anim 'yon. Akala naming lilima lang ang bantay pero may higit pa sa sampo ang nag babantay.


"Putangina niyong ilabas niyo ang girlfriend ko!" Halos mabasag ni Kevin yung mukha nung nakakabugbugan niya.


Napatumba naming lahat ang mga lalaking andito ngayon dahil sa puno ng galit na nararamdaman namin.


Saktan na nila lahat, wag lang yong mga taong importante sa amin.


Dahil hindi nila kilala kung sino ang Bad New Boys.


Umakyat agad kami  at hinanap sa bawat kwarto si Grazz.


"Aaaaah, Jacob!" Dinig naming sigaw ni Grazz.


Walang patumpik tumpik pa't sa lakas ni Kevin ay sira agad niyang sinipa ang pinto.


Nagulat kaming walang saplot si Grazz at nakapaibabaw si Jacob dito.


Nang makapasok kaming anim, agad tinakpan ni Grazz ang kaniyang katawan ng kumot.


Sinapak agad ni Kevin si Jacob.


"Tarantado!"


Agad binalibag ni Kevin si Jacob sa desk at pinagsasapak ito.


Pinagpapasa-pasahan ni Kit at Kevin si Jacob. Si Perry, James, at Nathan ay nakangising pinapanood ang tatlo. Agad naman nilang inalalayan si Grazz.


"Pinagkatiwalaan ka naming pamilya, tapos gagahasain mo ang kapatid ko?!"


"Gago ka! Sabihin mo sa akin, hindi mo ginalaw ang girlfriend ko!"


"Napakademonyo mong putangina ka!"

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon