Grazziana Kath's POV
"My, Dy, malapit na naman ang pasukan. San niyo po ako balak ilipat ng school?" Tanong ko kina mommy at daddy dahil nabanggit nila sa akin noon na ililipat daw nila ako.
"Hindi ko pa alam anak eh. Pag uusapan pa lang namin ng daddy mo mamaya." Tumango lang ako saka ako bumalik sa pagnood ng movie.
"Grazz, mag uusap lang kami ng mommy mo ha?" Tanong ni daddy bago sila lumayo sa amin para makapag usap ng maayos.
"Sige po, Dy."
"Kit, bantayan mo mga kapatid mo ha?" Payo ni mama kay kuya.
"Opo, My. Malalaki naman na yang mga yan eh." Sabi ni kuya habang busy sa pagcecellphone. Hindi man lang niya nilingon si mama.
"Kahit na. Pero bantayan mo pa rin." Pagalit na sabi ni mama.
Hi! Ako nga pala si Grazziana Kath Rodriguez. Pangalawa ako sa magkakapatid. Ordinaryo lang ang buhay ko tulad ng karamihan. Kumpleto ang pamilya at may mga kapatid din ako. Kumakain din ako ng tatlong beses sa isang araw, chariz.
Anyways, saan kaya ako ililipat ni mommy at daddy? Sana yung walang bitches na mga kaklase. Nagsasawa na ako sa maraming kaaway! Bakit nga ba kasi ang ganda ganda ko. Chos. Masyado akong ambisyosa.
Pumunta ako sa kwarto ni mommy and daddy kung saan sila nag uusap. Chineck ko lang saglit kung tapos na silang mag usap. Then, 'di ko mapigilang hindi makinig sa pinag uusapan nila. Sa sobrang excitement ko gusto kong malaman kung san ako mag aaral.
"Hon, saan mo ba gustong pag aralin si Grazz?" Tanong ni daddy kay mommy.
"May kaibigan akong may ari ng school. Si Josephine. Anak niya ang principal sa school na yun. Balak kong ilipat si Grazz sa Ashton University. Maganda rin ang uniform don kaso mahal ang tuition." Sagot ni mommy.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Omg! Hindi ba't ayun ang sikat na school dito? Ashton University? Doon din nag aaral ang bestfriend ko! Lalo tuloy akong naeexcite.
"Sige, doon na lang. Tutal kaibigan mo naman ang may ari ng school. Pero paano ang gastusin?" Nag aalalang tanong ni daddy.
"Kaya yan! Matalino ang anak natin. Kaya hindi masasayang ang pawis na pinaghihirapan natin."
Medyo naiiyak pa ako. Malaki talaga ang tiwala nila saakin. Kaya pag iigihan ko ang pag aaral ko sa school na yan, hindi ko sila bibiguin kahit anong mangyari.
"Maganda naman doon eh. Marami sila. Napaka challenging nga. Marami ding activities. Siguradong ma-eenjoy ni Grazz ang junior high school life niya bago siya grumaduate." Pati si mommy excited.
"Oo nga. Baka maraming manligaw sa anak natin ha? Alam mo namang napaka ganda ng anak natin!" Hala?! Napakamapagbiro talaga ni daddy. Siyempre hindi naman ako magpapaligaw. I'm not interested in that kind of stuffs kaya, 'no!
"Hindi yan. Babantayan yan ni Alexandria. Yung childhood bestfriend niya. Doon din nag aaral." Oo nga naman. Ayun pa, parehas kaming hindi interesado sa mga ganoong bagay.
"Sigurado na yan ha? Sige na. Punta na tayo sa labas. Sabihin na natin kay Grazz kung saan na siya mag aaral. I'm sure ma eexcite siya sa pasukan." Kung alam niyo lang dad. Sobra sobra!
"Hala! Lalabas na sila! Kelangan ko ng pumunta sa sala. Para di ako mahalata na nakikinig dito!" Bulong ko sa sarili ko.
Agad agad akong tumakbo papunta ng sala na kunwaring wala pang ka alam alam. Napatingin naman sa akin si kuya at agad din niyang binalik ang atensiyon niya sa pagcecellphone.
"Anak, nakapag plano na kami kung saan ka na mag aaral. " Sabi ni mommy sakin. Dapat pala hindi na lang ako nakinig sa usapan nila para mas nakakaexcite ang feeling ngayon! Napakachismosa ko kasi masyado.
"Talaga po, My? Saan po?" Nakukunwari akong na eexcite para di halatang alam ko na.
"Sa Ashton University." Si dad na ang sumagot sa tanong ko kay mom.
"Omg! Sigurado magiging masaya ang junior high school life ko doon! Thank you so much, My and Dy!" Patalon talon ako saka ko niyakap si mommy at daddy.
"Entrance exam pala bukas sa Ashton University. Dapat makapasa ka doon, Grazz." Excited na sabi ni mommy.
"Oo naman po, My! Kayang kaya ko yan eh. Sisiw lang sa akin yan!" Sabi ko nga, ayaw kong biguin sila mommy at daddy. Hindi ko rin sasayangin ang pagkakataon na 'to.
"Huwag kang mapanatag jan, Grazz. Pano kung di ka nakapasa?" Napaka-epal talaga ni kuya kahit kailan.
"Napaka-nega mo. Support mo na lang ako! Kayang kaya ko yan!"
"Sana 'di ka makapasa." Pabulong ni kuya na sinabi ito. Pero siyempre narinig ko ito. Katabi niya lang ako eh.
"My! Ang sama talaga ni kuya, oh! Sabi niya sana di daw ako makapasa!"
"Ano ba Kit?! Imbes na suportahan mo ang kapatid mo, pero ganiyan pa ang sinasabi mo." Inis na sambit ni mommy kay kuya.
"Syempre joke lang yon! 'Tong babaeng 'to talaga hindi mabiro." Ginulo ni kuya ang buhok ko. "Good luck sa entrance exam mo bukas, bruha ha?" Kahit kailan talaga, hirap kay kuya ang pagiging showy. Yung tipong bago niya maibigay ang gusto mo, aasarin ka muna niya. At yung tipong pagiging sweet niya, hahaluan pa niya ng kalokohan at pang aasar.
Pero okay lang, I still love my kuya. Kung ako ang pagpipiliin, ayaw kong magbago ang trato ni kuya sa akin -- sa amin.
Anyways, entrance exam nga pala bukas. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, kaba at sabik! Napakaswerte ko talaga sa mga magulang ko, wala na akong maihihiling pa. Una pa lang, Ashton University na talaga ang dream school ko.
--
note: the picture in multimedia was the old book cover of this story kaya iba yung title and characters. ayun lang, happy reading!
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Dla nastolatkówBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...