Pumunta na kami sa classroom at nakinig lang ako sa teacher namin nang buong klase. Sumunod si Sir David, siya yung math teacher namin. Medyo na excite naman ako kasi may quiz kami ngayon sa kanya. Sana mataas ang makuha ko. Favorite subject ko pa naman 'to.
"Good morning, class?" Bati ni Sir David sa amin.
"Good morning, sir." Bati din namin sa kanya.
"Remember? We have a quiz today." Paalala ni sir sa amin.
"Halaa! Meron bang quiz?"
"Hindi ako nakapag review."
"Paano yan?"
"Baka wala akong makuha."
"Baka bumagsak ako kay sir David kapag wala akong nakuha dito sa quiz?"
May biglang tumayo. "Sir David, pwede ba kami magreview kahit 10 minutes lang?" Tanong ni Jilian.
"No! Ang tagal na noong in-announce ko 'yang quiz niyo." Sagot ni Sir.
Napakamot na lang ng ulo si Jilian at nag umpisa na kaming mag quiz. Madali lang naman lahat yung binigay ni Sir David sa amin eh. Pagkatapos ng subject namin kay sir David, break time na. Pumunta ulit ako sa garden. Gusto ko munang mag stay 'don. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak at ang presko pa. Sana walang mangulit sa akin dito.
May tatlong babaeng lumapit sa akin. Sa pagkakaalam ko, sina Nicole, Veronica at Jhellyn. Ang taray ng dating nila. Sila din yung mga babaeng nakikita kong laging nagbubulungan at binubully ako.
"Hoy, panget! Bakit mo nilalandi si Kevin?" Sigaw sa akin ni Nicole. Ha? Nilalandi ko ba yung bakulaw na 'yun. Kahit sa kanya na si Kevin, wala akong pakialam.
"Hindi ko siya nilalandi, 'no." Sagot ko.
"Wow? Sa panget mong 'yan? I'm sure malandi ka kasi walang nagkakagusto sayo!" Sigaw niya pa sa akin.
"Hindi ko naman kailangan ng magkakagusto sa akin eh." Mahinahon kong sagot. Nanginginig yung buong katawan ko dito. Gusto ko ng tumakbo kaso ayaw kong ipakitang mahina ako dahil lalo lang nila akong guguluhin.
"Talaga? Hindi ka na nga makuntento sa pag lalandi mo kay Kevin eh. Nilandi mo pa ang boyfriend kong si Clark." Sabi ni Veronica. Bakit biglang nanikip yung dibdib ko no'ng sinabi niyang boyfriend niya si Clark. Tama ba yung narinig ko? Boyfriend niya si Clark? May girlfriend si Clark?
"Hindi naman ako yung unang lumalapit sa kanila eh. Sila." Sagot ko.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na sila pa ang lumalapit at hindi ikaw? Alam mo namang magaganda lang ang pinipili ng mga 'yon." Sabi Nicole at sinampal niya ako ng napakalakas.
"Tumigil na kayo!" Sigaw no'ng Jhellyn.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...