Epilogue

90 7 2
                                    

FINALE


Grazziana's POV

Akala kong mamamatay na ako pero kahit anong sakit o galos wala akong naramdaman sa katawan ko.


Iminulat ko ang mga mata ko. "C-clark?"


Maya't maya may dugo nang lumabas sa labi niya. Nag umpisa nang tumulo ang mga luha ko.


*bang..


"Kevin!" Sigaw ni Ate Kat.


Napalingon ako at nakita kong nakahiga na si Kevin at walang malay.


"G-grazz.." Nanghihinang sambit ni Clark.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala. Gustong maglakad ng mga paa ko pero hindi ko magawa.


"Clark!" Lumapit si Lexi na umiiyak habang inaalalayan si Clark.


Niyakap ako ni Clark at tuluyan na siyang nawalan ng malay.


"Hindi pwede!" Sigaw ko.


Binigay ko kay Lexi si Clark at tumakbo agad ako papunta kay Kevin. "Kevin! Kevin! Gumising ka!" Niyakap ko si Kevin at humagulgol na sa pag-iyak.


"Itakbo niyo na sila sa ospital!" Sigaw ko.


"Jusko anak!" Umiiyak na sabi ni Tita Josephine.


"Ikulong niyo na yang mga yan! Mabubulok sa bilangguan ang mga demonyong yan!" Sigaw ni Ate Kat. "Kevin! Hoy, kumapit ka."


Agad na dinala sina Kevin at Clark sa hospital. Humahagulgol kaming lahat sa pag iyak.


"Anak, lumaban ka." Sabi ni Tita Josephine habang hawak ang kamay ni Kevin.


──●◎●──


"Grazz, kumain ka muna." Sambit ni Kuya habang nakaupo lang ako kasama sila Mommy dito sa emergency room.


Natawagan na din namin ang magulang ni Clark at papunta na raw sila dito.


"Mag dasal na lang tayo Grazz." Hinawakan ni Lexi ang mga kamay ko.


"Hello? Na saan na si Jacob Dela Cruz at Jay Fontrella?" Dinig kong sambit ni Nathan sa kabilang linya. "Okay po, maraming salamat po. Wag niyo hong hahayaan na makawala ang mga yan.. opo. Salamat."


Maya't maya, may dumating.


"Kathy!"

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon