Chapter 4

117 11 0
                                    

Ginising na ako ng alarm clock at dinagdagan naman 'yon ni mommy. "Nak, gising na! Malalate ka na. Maaga ka pa sa first day of school mo." Bunganga na naman ni mudra. Basta kapag kailangan talagang maaga gumising ganyan si mommy eh.


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumangon sa kama ko. Nag stretch din ako ng katawan ko at bumaba na ako. Nagulat ako ng biglang pumasok si Alexandria sa bahay namin. Si Alexandria nga pala. Yung childhood best friend ko na nabanggit kong nag aaral din sa Ashton University.


"Hi tita! Good morning! Dito po ako makikikain ha? Good morning, besty!"


Ang aga aga, nakabihis na agad itong babaeng to. Excited lang?! Makikikain pa dito. Pero kung sabagay, maaga naman kasi dapat talaga at saka sanay na kami ni mommy na minsan dito siya kumain. Kulang na nga lang, kami na ang bumuhay sa kanya eh. Charot.


"Sige lang, Alexandria makisabay ka na kay Grazz." Pag payag naman ni mommy.


"Good morning din, besty." Bati ko.


"Tara, kain na tayo. Maaga pa tayo." Aya niya.


"Hindi ka naman excited eh, 'no?" Sarkastikong sabi ko.


"Hindi naman. Gusto ko lang na maaga tayo. First day of school pa naman 'no."


Sabay na kaming kumain ni Alexandria at pagkatapos 'non ay nagbihis na ako habang naghihintay naman siya sa baba. Bumaba na rin ako nang matapos ako at naabutan ko siyang parang inip na inip na rin.


"Tara na besty. Kanina pa ako naghihintay eh. Napakatagal mo." Kunot noo niyang sabi sa akin saka siya tumayo.


"Matagal ako magbihis." Sabi ko naman.


"Masyado ka ng maganda, oo na!" Natatawang sabi niya.


Then, umalis na kami ng 6:55 AM and dumating kami sa school ng 7:00 AM. O, diba? Imagine niyo kung anong oras nagising si Alexandria para magpunta sa bahay namin. Madaling araw pa lang yata, gumising na siya.


Mag riring na rin yung bell ng 7:30 AM, so may thirty minutes pa kami para libutin namin ni Alexandria yung buong campus.


"Besty, maaga pa. Tara i-tour kita?" Kanina atat na atat siya, ngayon naman nagrereklamong maaga kami. Ewan ko talaga dito sa bestfriend ko.


Habang naglalakad kami, ang daming nakatingin sa amin at hindi ko namang maiwasan na magtanong kay Alexandria.


"Bakit nila tayo pinagitinginan? Sikat ka ba dito? Pinagbubulungan din tayo." Bulong ko kay Alexandria.


"Kilala lang nila ako dito. Kaya sila nagtitinginan at nagbubulungan, kasi bago ka dito. At saka, litaw na litaw ng beauty mo!" Bolera talaga 'to kahit kailan.


"Hay nako, bolera!" Inirapan ko siya.


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon